Work Text:
My shift was done.
I fixed my disheveled hair as I slowly walked out of the office sluggishly. Finally, after 17 hours nababad sa trabaho, makakauwi at makakatulog na ako ng maayos at mahimbing. Nag unat-unat ako sandali bago pumasok sa isang bakanteng elevator.
I pressed the button for the lobby and waited na makarating ako doon as soon as possible as I'm too exhausted to even move and to think nasa 10th floor ako only pisses me off.I yawned at sumandal sa may hawakan ng elevator baka kase matumba na ako sa antok. The slow movement of the elevation was not helping either. Parang ineele ako, making me sleepy than I already was. I tried to slap myself trying to wake myself bago ko makalimutan na nasa elevator ako at di to kwarto.
Epal kase yung boss ko eh sarap sabunutan. Wala akong pake kung mas maganda at mahaba ang buhok niya kesa sakin pero sasabunutan ko talaga siya pag naubusan na ako ng pasenya. Dapat kanina pa tapos shift ko mga 7pm. Bigla ba naman akong tinawag tas sabihin na tapusin ko yung report ni. Di naman ako yung secretary niya pero ba’t sakin pinagawa? Wala nanaman ba siyang secretary? Finire niya nanaman ba? Ilang secretary pa ba ang kelangan niyang ifire? Kaloka.
Ang mas nakakaloka, pinauwi niya yung iba kong ka officemate tas ako yung pinaiwan. Favoritism ba ito? May lihim ba nagalit ang boss ko sakin? Pwes ako din, kinamumuhian ko na din siya. Pagod na nga ako, wala pang sweldo sa overtime.
The elevator door suddenly opened at may pumasok. Wala naman akong pake sino. Di ko na din tiningnan kase distracted ako sa ilaw ng mga buttons. Nakatulala lang ako dun para bang yun ang pinakamagandang bagay sa mundo at di ko maalis ang mga mata ko dun. Narinig ko nalang nang biglang nagsalita yung taong kakapasok ng "...I love you."
"I love you too.”
Nanlaki mga mata ko sa sinabi ko. Teka lang. Ba't ako nag reply? Ako ba ang kausap? Pakshet naman nakakahiya. Baka isipin nung tao napaka feeling ko.
Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko para tignan yung taong nagsalita at humingi ng tawad sa kagagahan ko, pero parang gusto ko nalang tumakbo palabas ng elevator at mag resign bukas na bukas din. Di kasale sa job description ko ang magsabi ng I love you too whether that be consciously or unconsciously done, sa boss na kinamumuhian ko. Kingina lang.
He squinted his eyes at me, as if judging me. Nadako ang mga mata ko sa tenga nia at dun ko na realize na may kausap pala siya sa phone. Great.
Nag kunwari nalang ako agad na kumakanta. "I love you tooooo~' Forever and ever~" pagkanta ko, gamit ang tonong pinulot ko lang kung saan.
"I never heard of that song," rinig kong sabi niya. He smirked before turning off the phone in his hand.
"Too bad. 'twas great," sagot ko without giving him a glance.
"Hmm. Kantahin mo nga buong kanta,” he teased. Yes, nanunukso na naman ang yawa. Kanina pa yan sa office eh. Kaya di ako matapos tapos sa report niya kase inuutusan niya ako ng kung ano-ano like mag timpla ng kape, kargahin yung isang box ng bond paper at dalhin sa printing room, patawanin siya kase bored siya kase mukha daw akong clown. He does hate me. Pwes, mutual na kami ngayon.
"Nakalimutan ko na."
"-Sir. Nakalimutan ko na sir ," he said. "Remember I am your boss, Miss Hana."
I rolled my eyes. "Nakalimutan ko na po sir." I emphasized the sir and po. I heard him chuckle then for a couple of minutes, natahimik ang elevator. I checked kung saan na kami na floor at nasa 6th na pala kami. Tsk. Bagal ha. Ba’t pag ako lang mag isa ambilis lang ng elevator, pag ba bumibigat bumabagal ang takbo neto?
The silence almost last for a couple of minutes. Sa sobrang tahimik, di ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako after ilang minutes, facing an ethereal being in front of me. It was shining. Am I in heaven? O ilaw lang yan ng elevator? Nasa elevator pa ba ako? Anghel ba to?
Oh may ghad, Sino to?
I slowly try to touch his face. Shet, Sino to ba't ang gwapo? Pwede aking ka nalang?
He smirked, looking amused. "I thought you hated me, Hana?"
Fck. Did I say that outloud? Second, Yung boss ko pala yun? Pota mas gwapo sa malapitan. Charot! Charot lang. Erase, erase. Control Z.
Tumayo nalang ako from his arms na kinatch pala ako kase I loose my grip sa handle kase nga tulog ako. Talk about katangahan. Jusko, Mas tutuksuhin ako neto eh! Lupa, can you just eat me alive?
"You look so tired," he touched my forehead. Ang plastic, kunyare concern.
"Thanks to you sir," you smiled sarcastically. He just grinned, pero napansin kong walang halong kalokohan yung ngiti niya.
"Hatid na kita," he said as soon as the elevator door opened when it reached the lobby.
May catch to Hana! Wag kang magpapadala. May masamang balak tong lalaking to. "No thanks po sir. Kakain pa ako sa Jolibee."
"Then, ihahatid kita after mo kumain sa Jolibee."
"Matagal ako kumain."
"Really? What a coincidence, me too."
"Luh, sasama ka saken dun?"
"Why not?"
"Sir, umuwi ka na baka hanap ka na ng asawa mo," sabi ko at tumingin sa mga mata niya. He laughed. Amused na amused ka sir ah.
"Wala akong asawa. Gusto mong mag apply?"
Di ko narinig yung last niyang sinabi kase nag mumurmur siya. "Ha?"
"Sabi ko baka gusto mong mag apply bilang secretary ko."
"Sir, No thanks." Nagdudusa na nga ako ng di mo pa ako secretary, ano nalang pag secretary mo na ako.
"Oh, so you don't want a weekly allowance of 100 thousand and free savings including pag-ibig, sss---"
"Ay may ganun ba?"
"I see you didn't want it then, bye."
"Huy, charot lang sir. Eto naman di mabiro."
"So, you want it?" he asked, eyes staring straight to mine, glinting.
"Siyempre. Naman! Opkurs! Kelan ako magsisimula?"
He smiled, "Now."
My face dropped. "Now?" tangina. "Another shift?"
Umiling siya, "You start by letting me drive you to your house."
Sigurado ba siyang siya ang nag hire sakin bilang sekretarya o hinire niya ako para maging driver siya? Pero pwede na rin kase para tipid sa pamasahe. Pero mag papabebe muna ako para di halata na kumakagat na ako sa mga sinasabi niya. May pride ako.
"Kakain pa nga ako sa Jolibee sir. Gutom na ako."
He grabbed my arms and said, "Let's go then." He smiled at me one more time. "And please, pag wala tayo sa work, just call me Jeonghan," and with that he took my hand and dragged me out of the building.
