Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-02-12
Words:
1,851
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
43
Bookmarks:
1
Hits:
326

Talaga Ba?

Summary:

“Talaga ba?”

Kung nagulat ang apat sa tanong na iyon ay mas nagulat si Jaemin sa mga salita na lumabas sa bibig nya.

Notes:

a little something for valentine's lang, sorry for any mistakes and grammatical errors >< enjoy!

Work Text:

Talaga ba?

Sumandal si Jaemin sa railings ng hagdanan at huminga ng malalim, dalawang minuto na lang ay malelate na sya sa meeting ng kanilang club. Kung hindi lang sana nag overtime ang kanilang prof ay kanina pa sya nandoon.

Kinuha ni Jaemin ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa at pinahid ito sa noo nyang pinapawisan nya. Matapos ay nagsimula syang tumakbo ulit para di mahuli sa meeting.

 

♡♡♡

 

Pagpasok ni Jaemin sa club office nila ay halos kumpleto na ang kanilang members, at tulad ng dati, agad hinanap ng kanyang mga mata si Jeno. Ang vice president ng kanilang club at syang nagmamay ari sa puso ni Jaemin.

Pupunta kaya sya?

Tanong ni Jaemin sa isip. Minsan kasi ay wala si Jeno sa meetings nila dahil may ibang pinagkakaabalahan ang binata gaya ng basketball, other clubs or di kaya may klase pa.

“Uy Jaem! Dito ka, oh!”

Tawag ni Haechan sa kanya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi nito.

Di nagtagal nang makapuwesto si Jaemin ay dumating na si Jeno at ang president nila na si Mark. Nagsimula naman kaagad ang meeting at sa totoo lang ay walang naintindihan si Jaemin.

Kahit si Mark ang nagsasalita sa harap ay sa mga tawa at comments ni Jeno sya nakikinig. Pinagmasdan niya itong maiging na nakikinig kay Mark at sa mga suggestions ng mga ka miyembro nila, minsan ay napapapisil na lang si Jaemin sa gigil tuwing kinakagat ni Jeno ang dulo ng kanyang ballpen at may nalilitong ekspresyon habang hawak ang papel na naglalaman ng details ng future club activities nila.

Hiling lang ni Jaemin ay walang nakakapansin sa kanya sa pagtitig kay Jeno.

“…and that’s all, kung may suggestions pa kayo or gustong ulitin para sa event natin sa fiesta, chat nyo na lang sa gc natin or ichat nyo ako directly.”

Agad nagsilabasan ang mga kasama nila, naiwan na lang si Mark, Jeno, Renjun, Haechan at Jaemin. Tinignan ni Jaemin si Haechan at Renjun para sensyasan na lumabas na sila ngunit nagpatuloy lang ang mag jowa sa pag uusap.

 

“Huy Jeno, nililigawan mo daw si Jihoon ng nursing department?”

Tanong ni Haechan na may nakakalokong ngiti.

Parang may humugot ng hininga ni Jaemin sa narinig. Magpinsan si Jeno at Haechan kaya naman kahit na matalik nya itong kaibigan ay wala itong kaalam alam sa nararamdaman ni Jaemin kay Jeno at wala din syang balak na sabihin ito kay Haechan dahil di ito marunong tumago ng sikreto.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi maamin ni Jaemin ang nararamdaman nya kay Jeno. Actually, noong new year dapat sya nag confess. Planado na lahat sa utak nya; babati sya ng happy new year, mangangamusta, aamin na gusto nya si Jeno.

Pero nung isesend nya na sana ang “Happy new year, Jeno!” message nya ay sakto din naman nag chat si Haechan sa kanilang gc at sinabing hindi kasama ng kanilang pamilya si Jeno sa pagsalubong ng bagong taon dahil kasama nito si Jihoon.

“Issue ka na naman..”

Sagot ni Jeno at saka tumawa sa kanyang kinauupuan. Kinuha ni Jeno ang nakapatong nyang cellphone sa lamesa at tinungo ang attention dito.

“Di nga Jeno, last month pa daw yun eh. Totoo ba?”

Tanong din naman ni Renjun. Si Mark naman ay tumawa lang at nagpatuloy sa pagsulat ng kung anu-ano sa listahan niya. Binaba ni Jeno ang kanyang cellphone at nagtama ang mga tingin nila ni Jaemin. Doon lang din napagtanto ni Jaemin na nakatitig na naman pala sya dito at nagpipigil ng hininga dahil sa kaba.

Agad iniwas ni Jaemin ang tingin nya pero rinig na rinig nya ang pintig ng kanyang puso habang inaabangan muli ang pag sagot ni Jeno.

“Di ah, magkasama lang nililigawan na kaagad? Bakit, nililigawan ko ba si Mark?”

Ngumiwi si Mark at binato ng correction tape si Jeno at nakahinga naman ng maluwag si Jaemin.

“Ay weh? Pero may balak kang ligawan?”

Biglang nabawi ang pagiging kampante ni Jaemin. Kung kanina ay mabilis ang tibok ng puso nya, ngayon naman ay dumoble ito at mas gustuhin nya pang lumabas na lang kesa marinig ang pinakaayaw nya na sagot sa tanong ni Renjun.

 

 

“Wala, gago. Kasama ko yun sa laro namin kaya palagi kami magkasama. Ligaw ka jan.”

Naglabas ng buntong hininga si Jaemin pero mahinaa lang ito. Parang nabuhayan muli ang sarili nya sa narining. All this time, akala nya talaga may something kay Jihoon at Jeno. Aside sa palagi itong topic ni Haechan sa gc nila ay palagi nya rin nakikita ang dalawa na magkasama

 

.

“Talaga ba?”

Kung nagulat ang apat sa tanong na iyon ay mas nagulat si Jaemin kung bakit nya yon nasabi.

Naramdaman nya ang pag init ng kanyang mukha at napansin nya ang pag tutulakan ni Renjun at Haechan sa tabi nya.

“Oo, Jaem.”

Diretsong sagot ni Jeno sa kanya habang tinignan sya sa mata. Gustong sumabog ni Jaemin dahil sa hiya, sa isip nya lang dapat yun tinanong pero kinikilig din sya at the same time dahil mula kay Jeno ang confirmation na hindi nya nga nililigawan si Jihoon.

 

♡♡♡

 

“Hi, Jaem!”

Tumigil si Jaemin sa paglalakad at lumingon pinanggalingan ng pamilyar na boses. Lumapit si Jeno sa kanya na may malaking ngiti sa labi.

Nakasuot ito ng white na hoodie, black joggers at sneakers at may dala-dalang duffel bag, halatang galing kang sa practice nila.

“Hello, Jeno.”

Bati ni Jaemin at nginitian ito.

“Uuwi ka na?”

Tanong ng nakakatanda. Tumango lang si Jaemin at di umimik dahil feel nya ay mapipiyok sya pag kakausapin nya si Jeno.

“Hatid na kita.”

Napakunot noo si Jaemin sa sinabi ni Jeno, na para bang mali ang narinig nito.

“Umm.. nasa tapat ng school lang ang dorm ko?”

Hindi siguradong sagot nito . Tumango lamang si Jeno at nagsimula ng maglakad, “Edi sabayan kita tapos bili tayo kwek-kwek doon sa labas, masarap doon eh..”

Nakapamulsang naglalakad si Jeno at si Jaemin naman ay nakatitig lang sa likod nya. Himinto ito at lumingon kay Jaemin sabay senyas na tabi silang maglakad, kaya naman ay umabante agad si Jaemin sa gilid nya.

Pagdating nila sa labas ng gate ng university, dumiretso sila sa may naka linyang mga street foods. Nakabuntot lang si Jaemin kay Jeno dahil sa dami ng estudyante hanggang sa huminto sila sa may nagbebenta ng kwek-kwek.

Pinagmasdan nya lang si Jeno na bumili. Kating-kati na siyang umuwi at isulat sa journal nya sa kasalukuyang nangyayari. Although iisang circle of friends lang sila ni Jeno ay hindi sila gaano ka close dahil sa college lang sila nagkakilala at magkaiba pa course nila. Magkasama lang sila tuwing may club meetings and activities, lunch or di kaya kapag may gala.

“Okay lang ba sayo maanghang Jaem?”

Tanong nito kaya nabalik ulit ang atensyon ni Jaemin sa reyalidad. Tumango sya at kinuha sa kamay ni Jeno ang plastic cup na may pagkain at akmang kukunin ang wallet nya sa bulsa pero pinigilan sya nito.

“Ako na.”

Sabi ni Jeno sabay ngiti sa kanya, yung ngiting nawawala ang mga mata niya. Lord konting lakas pa po.

 

♡♡♡

Nang matapos silang kumain ay tumawid na sila para pumunta sa dorm ni Jaemin. Saktong nakarating sila sa labas ng dorm ay biglang nag salita si Jeno.

“Jaemin, yung kahapon… Di ko talaga nililigawan si Jihoon. Magkasama lang kami kasi may tourna sa basketball noong January tapos nakisali kami sa isang team from different school.”

Bakas ang lito sa mukha ni Jaemin dahil bakit naman sya mag eexplain? Eh nakumpirma nya na kahapon na hindi nya nga nililigawan si Jihoon.

Napakamot si Jeno sa likod ng ulo nya at inayos ang pagkahawak ng bag na nasa balikat nito.

“Naniwala naman ako sayo kahapon, Jeno. No need to explain, kinakabahan ako bigla sayo eh..”

Natawa si Jeno sa sinabi nya at humakbang palapit sa kanya.

“Wala lang, baka kasi ma misunderstood mo. Balak pa naman kitang ligawan.”

Tumango lang si Jaemin at binuksan ang gate para pumasok na.

 

“Di naman— ay huh?”

Binitawan ni Jaemin and lock ng gate at hinarap ulit si Jeno. Huminga naman ng malalim ang binata at tiningnann sya sa mata.

 

“Ngayong Valentine’s Day sana ako aamin na gusto kita. Pero si Haechan talaga ang hilig sa chismis. Saka di ko na kaya maghintay baka maunahan pa ako kaya Jaemin, pwede ba kitang ligawan?”

Kinurot ni Jaemin ang tagiliran nya at lumapit kay Jeno apra mahina itong sinampal sa pisngi. Tama ba yung narinig nya? Nagulat si Jeno sa pagdapo ng kamay ni Jaemin sa mukha niya at agad nya itong hinawakan.

“Okay lang naman ako sa rejection Jaem pero wag san nananampal”

Biro nito. Totoo nga.

Lord last na po, konting lakas pa.

“Nakikipag biruan ka ba Jeno?”

Kumunot ang noo ni Jeno sa tanong ng nito.

“Jaemin, seryoso ako. Kahit ano pa sabihin mo para patunayan ko na gusto nga kita, gagawin ko. Kung hindi ka pa handa, kaya kong maghintay Jaem. Sobrang tagal ko nang maghintay pero kaya ko pang maghintay ulit para sayo. Pero kung may gusto kang iba…”

 

Umiwas ng tingin si Jeno at na curious naman si Jaemin sa kasunod nito. Hindi nangfufunction ng maayos ang utak nya, parang kanina lang ay gusto nya nang umuwi para makabawi ng tulog pero ngayon nag coconfess na yung crush nya sa kanya.

 

“Kung may gusto akong iba? Ano gagawin mo Jeno?”

Huminga ng malalim si Jeno at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

“Di pwede Jaem, dapat ako lang. Ipilit natin.”

Nakangiting sabi nya dito. Napangiti din si Jaemin at mahinang hinampas ang dibdib ni Jeno.

“Di na kailangang ipilit Jeno, gusto rin naman kita, matagal na.”

Kasing bilis ng kidlat ang paghila ni Jeno kay Jaemin para yakapin sya.

Sobrang saya ng puso ni Jaemin, parang nakalutang sya sa ulap at pakiramdam nya ay dala lang ng pagod nya ang mga nangyayari at hindi ito totoo. Kung ganun na nga edi sulitin nya na lang.

 

“So pwede nga? Na ligawan kita?”

Gustong sabihin ni Jaeminin na iskip na lang ang courting stage kasi sasagutin nya rin naman for sure si Jeno. Pero ayaw nya magmukhang patay na patay sa lalaki kaya naman ay tumango lang sya dito habang dahan dahan na humiwalay sa kanya.

Inangat ni Jeno ang mukha ni Jaemin at pinagdikit ang ilong nila, “Thank you.” bulong nito.

Nang tuluyan na silang magkahiwalay ay saka lang nakaramdam ng hiya si Jaemin, sa tapat pa talaga sila ng dorm nag aminan.

“Pasok ka na.”

Malumanay na sabi ni Jeno at niyakap sya ulit.

“Bye, Jeno.. ingat sa pag uwi.”

Nakangiting pumasok si Jaemin sa gate nila at nung nasa pintuan na sya ay lumingon ulit siya sa kinaroroonan ni Jeno. Kumaway ito habang hinitay na pumasok si Jaemin sa loob.

Pero dahil nga gusto itong sulitin ni Jaemin na pagkakatoon ay tumakbo sya pabalik sa kanyang manliligaw at binigyan ito ng halik sa pisngi. “Text mo ako pag nakauwi ka na.”

Bilin nya sa nakatulalang si Jeno.

 

Pinilit ni Jaemin na wag nang lumingon muli at pumasok na nang tuluyan sa building. Pag sara nya sa pinto ay agad syang sumandal dito sabay takip sa bibig para pigilan ang sarili sa pag sigaw.