Chapter Text
BSEd1 *section nila yung GC name
Nat : asan ka na??
Sabi mo aagahan mo!
NN : oo na malapit na
Tinapos ko pa kasi mabake yung cookies
Nat : hay nako Nunew sinasabi ko sayo pag na-late tayo kay Mrs. Videla magagalit talaga ako sayo 😑😑
NN : promise hindi malapit na ko pababa na ng jeep!
Oh ito na ito na nakababa na tatakbo na
Nakalabas na ba siya?
Nat : hindi pa
Mag ingat ka baka madapa ka nanaman kakamadali mo makita yung isa
NN : sabi mo dalian ko na malalate na tayo 😂 Nakikita na kita!
NARRATION : campus
“Hi~” masayang bati ni Nunew sa kaibigan pagkalapag ng bag sa table. Nasa entrance ng College of Arts ang tingin. “Ano nakalabas na ba?”
Tinignan muna siya ni Nat, hindi alam kung naiinis, napapagod o naaawa sa kaibigan bago ito umiling. “Wala pa rin… anong oras ka nanaman gumising para magbake?”
“Ha?” sagot ni Nunew bagi umayos ng upo. “Kagabi ko pa ‘to binake.”
“Sinungaling… late na tayo nakauwi. Magkausap pa tayo ng 11PM para dun sa gagawin natin na research paper kaya alam ko na nakatulog ka sa pagod. So what time ka nga nagising para gawin ‘tong cookies?”
“Basta late na rin ako nagising…” umiiwas na sagot ni Nunew.
Napailing nalang si Nat. Sigurado na maaga na naman gumising ang kaibigan para i-pagbake yung taong… hindi naman siya pinapansin. Ang rason minsan ni Nunew ‘request’ daw sa kanya nung isa kahit hindi naman o madalas… gusto lang talaga niya bigyan ng kung ano ano yung taong limang taon na niya sinusundan, since high school.
“Nunew kailan mo ba titigilan –”
“Anjan na siya!” agad tumayo si Nunew dala ang paper na may lamang cookies – para kay Zee, advertising major graduating student. Nunew’s long time crush for 5 years.
***
Nagsimula sa simpleng pagtulong sa kanya ni Zee nung naliligaw si Nunew sa campus nila nung high school. Late nahatid si Nunew ng mama niya – sa first day pa ng klase, good start for a transferee student. Pero kung may mas imamalas pa kamo, meron – nagkalat pala sa pantalon niya yung powder ng donut na pinabaon sa kanya ng mama niya – pwede pa rin naman umiyak sa inis kahit high school na diba?
Paupo na dapat si Nunew sa bench para mag mukmok ng may nag abot sa kanya ng panyo – a plain blue handkerchief na may nakaburdang ‘Z’. “Past 7:30 na, bawal na students dito sa baba ng building.”
“Eh bakit ikaw andito ka pa rin sa labas?”
Parehong nagulat ang estudyante at si Nunew sa tanong niya – gusto na talaga maiyak ni Nunew sana hindi isipin ng kaharap na naghahanap siya ng away. But the student smiled. “Bago ka ba dito? Magpunas ka na, ihahatid na kita sa classroom mo.”
“Thank you po… –”
“Zee.” pakilala ng estudyante.
Mula noon, hindi na nawala sa isip ni Nunew ang senior. Pareho pa sila ng pinasukan na university – or ginawan ng paraan ni Nunew.
***
“Anjan na naman pala yung admirer mo Zee.” pang aasar ni Max sa kaibigan ng makita na papalapit si Nunew kasunod si Nat. Kinawayan nito ang dalawa pero walang nakuha na sagot.
Napailing nalang si Zee tuloy lang sa paglalakad.
“Zee – para sayo pala!” abot ni Nunew sa hawak na paper bag.
“Thank you…”
“Tara na Nunew mala-late na tayo.” aya na ulit ni Nat bago nanaman siya mainis sa walang emosyon na sagot ni Zee sa kaibigan.
“Ah, cookies pala laman niyan ah. Hehe~” sabi ni Nunew kay Zee.
“Meron din para sakin New?” tanong ni Max. Kapit-bahay ni Nunew si Max kaya kilala niya ito – pero never naman siya tinulungan kay Zee.
“Para kay Zee lang –”
“Hahatian nalang kita Max. Sige New thank you ulit.” sabi ni Zee saka muling naglakad. Pero kitang kita ni Nunew na ibinigay lang din ni Zee yung paper bag sa masayang Max.
TWITTER :
Nunew : 😅😅 hehe baka sawa na siya sa cookies~ sige balik tayo sa cupcake!
Nat : ayoko mainis pero gusto ko manakit
BSEd1:
NN : psst
Bat ang init nanaman ng ulo mo first subj palang
Nat : tigilan mo na kasi siya Nunew!!
NN : huy kumalma ka nag ttype ka lang pero obvious na nag cecellphone ka baka mahuli ka ni ma’am Videla
Nat : sige wag mo nalang muna ako kausapin baka sumabog ako lalo
NN : kalma na jelly~ 😁 laabyu
Nat : ikaw ang kumalma
Di maka move on sa taong may iba naman iniisip
NN : 😅 ouch
Alam ko concern ka lang kaya nasasabi mo yan 🙂
Wag ka mag alala jelly. Keri ko to
Baka bad mood lang today kaya ganun siya kanina hehe~
3 years nga nakapag antay ako para makausap siya ulit so aarte pa ba ako ngayon
Nat : 3 years ka na habol tingin lang sa kanya kasi busy siya sa iba remind ko lang kahit na alam niya existence mo
Yim - I'm back from the hukay!
Ayoko na mag NSTP. Kung di lang ako sinabayan ni Tutor kunin yun nag drop na talaga ko
Pero ano meron bat nag aaway na naman kayo ayoko na mag BR summary please
Wala kayong klase?
NN : meron Yim
And worried lang ulit tong si jelly sakin hehe
Yim : parang may idea na ko kung bakit…
Hindi pa rin ba sumusuko ang Nunew namin? 🙂
NN : bat naman ako susuko eh baka ito na yung chance ko
Ngayon pa ba ako titigil 😁
Nat : 😑😑
Yim : okay~ 😊 cheer kita jan as long as happy ka
Meet tayo later libre ko kayo
Miss ko na kayoooo
NN : ayun oh!
TWITTER :
NN : as long as happy ako 😊
NARRATION : *open area
“Habang tumatagal lalong gumagaling si Nunew magbake. Tikman mo.” sabi ni Max.
“Busog ako.” sagot ni Zee.
“Ito talaga, ginawa ‘to para sayo nung tao ayaw mo man lang tikman.”
“Pang ilang beses na ba siya nagbigay sakin ng ganyan?” sagot ni Zee habang busy pag edit sa video na ipapasa nila mamayang hapon.
“Pang… pang ilan na nga ba? Eh basta tikman mo pa rin. Sabi ko nga gumagaling lalo si –”
“Ayoko nga sabi…”
“Okay… ubusin ko na ‘to walang sisihan.” pagkakuha ni Max ng last peace nung cookie, may nahulog na papel sa loob ng paper bag. “Oh may love letter na naman para sayo na kasama – ito man lang basahin mo.”
Kinuha ni Zee ang note at saka binasa ang loob.
*NOTE
‘Sana mabigyan ka ng energy nitong cookies sa tinatapos niyong video edit. Ginawa kong chewy kasi sabi ni kuya Max yun daw gusto mo. Fayting!’ - NN ❤️
As expected… another encouraging note from Nunew. Hindi naman sa hindi niya na a-appreciate yung mga binibigay ni Nunew… madalas lang kasi masyado at isa pa ayaw niya paasahin yung tao.
*ding*
Biglang may pumasok na notification sa cellphone niya – an Instagram notification from the only account he follows na naka-on ang notif.
Zee checked the new post… Nunew’s note was already forgotten.
*IM BACK - Janis (IG POST)
