Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-07-16
Words:
2,075
Chapters:
1/1
Kudos:
2
Hits:
46

Sweet Team Loops

Summary:

Handang-handa na magconfess si Junmyeon. Handa na rin kaya siya sa magiging resulta ng confession niya?

Notes:

New SE-HO fic kahit hindi ko pa tapos yung isa kasi why not di'ba?!

Work Text:

“OMG, nagpalit ka haircolor?!”gulat na bungad ni Junmyeon pagkaupo niya sa bakanteng upuan.

“Kamukha mo na si Sehun...” he said thoughtfully.

“Aba malamang kamukha ko talaga s'ya, kambal kami eh duh.” ani Willis habang tumatawa-tawa pa.

Tumitig si Junmyeon sa itim na buhok ng kaibigan, ngayong hindi na ito blonde ay talagang halos wala silang pinagkaiba ng kakambal nito. Identical twins ang dalawa pero magkaibang-magkaiba sila pagdating sa personality. Willis is an extrovert, party goer and friends with everyone. Member din ito ng theatre at arts club at masasabi ni Junmyeon na sikat ito sa campus nila lalo na sa kakaibang rainbow color nito.

“Well obviously, hindi lang ako sanay na walang kulay buhok mo. What changed your mind?” curious nyang tanong.

Hindi talaga sya sanay, maging ang buong campus. Walang buwan na hindi nagpapakulay ng buhok ang binata, pinakamatagal na ang isang kulay sa tatlong buwan. If not with the vibrant green, he'll go crimson red. Just like his last previous hair color.

The rainbow color.

“Junnie as you can see, my anit is not in its good shape.” ani Willis at bahagyang sinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay.

Sabay silang napahalakhak, pinakita pa nito kung gaano kadalas naglalagas ang sariling buhok kahit dahan-dahanin pa ang pagsuklay roon.

“In fairness bagay naman sa'yo, Hindi na masama.” ani Junmyeon at hinawakan ang magkabilang pisngi ng kaibigan.

Naka-undercut na ito ngayon kaya hindi niya maiwasang mamangha, it reminds him of a certain guy with the same hairstyle before.

“Ganito hairstyle ni Sehunnie last year eh look, I agree na parang ako talaga s’ya sa gupit na 'to. Katunayan nga ilang beses nila akong napagkamalang si Sehun kanina.” natatawang pagkukwento ng kaniyang bestfriend.

He absentmindedly nodded his head.

Except that Junmyeon can distinguish who's who between the two. Makikilala at makikilala nya ang bestfriend niya kahit bali-baliktarin pa ang mundo o kung anong kulay pa ng buhok ang gamitin nito.

Oh Willis is the talkative one. Sobrang daldal to the point na minsan gusto nalang busalan ni Junmyeon ang bibig ng kaibigan. His bestfriend loves fashion, sa tuwing papasok ito ay akala mo fashion runway ang papasukan imbes na three long hours lecture.

While the other twin, Oh Sehun is more on the calmer side, an introvert. According to his beloved bestfriend, mas matanda siya ng tatlong minuto sa kakambal so basically, Willis is the older one. Hindi na inawat pa ni Junmyeon kahit pa same birthday lang naman talaga ang dalawa. Now back to the younger twin, hindi sila masyadong close ni Junmyeon, bakit? Because their group of friends doesn't collide much. Sinuwerte lang talaga siyang naging bestfriend niya ang kuya nito noong freshmen year nila.

Lingid sa kaalaman ni Willis, Junmyeon fell for his twin two years ago. Hindi niya rin alam kung bakit at paano. He just felt that sudden urge of attraction. Binalak niyang sabihin kay Willis, pero nahihiya siya. At kilala niya ang kaibigan, hindi siya tatantanan nito ng pag-aasar. Kaya naman sinubukan niyang pigilan at ibinaling sa iba ang nararamdaman, sa pag-aakalang mababaw na attraction lang iyon, like a puppy crush.

But oh boy, he was so wrong.

It lasted for a year then another year again. Oo alam niyang sobrang whipped na niya. He just can't help it but fall every single time okay? Kasi, sino ba namang hindi mahuhulog sa isang Oh Sehun?

The great Oh Sehun. Dream boy ng halos kababaihan at kabaklaan sa campus. If Oh Willis is famous for his talent in acting and his unique hair traits, Sehun is widely known for his excellent dance skills. Part of their campus dance troupe, a part time model and an academic ace. Sobrang talented a total package, napakabait pa.

At higit sa lahat, amoy Johnson's baby powder.

Parang ang sarap alagaan.

“Sino?” takang tanong ng katabi at nilibot ang buong tingin sa loob ng canteen.

“I-ito oh! Parang ang sarap kako alagaan nitong puppies.” mabilis na alibi nya sabay pakita sa isang TikTok video kay Willis.

His friend raise an eye brow.

“Anyway nasaan na ba 'yang kapatid mo? Gutom na'ko.” pag-iiba niya sa usapan.

Kung napansin man ni Willis ang pagiging tensyonado ni Junmyeon, hindi na ito nagkomento pa.

“Maya-maya nandito na 'yon, oh ito na pala!” Willis raise his hand for a wave.

Tumingala si Junmyeon sa harapan nila at napakapit ng mahigpit sa hawak na tumbler.

‘Lord I'm not your strongest soldier, bakit naman po ang gwapong nilalang nito?’

Junmyeon is literally screaming on the inside.

 

Pero hindi lang halata. Wala manlang karea-reaksiyon ang mukha niya habang nakatanaw sa mga papalit sa kanilang mesa.

Oh Sehun in his full glory went towards them, smiling widely. The baby is wearing his go-to comfy clothes. A black fitted shirt and a jogger pants partnered with an adidas white shoes.

He couldn't stop himself from gawking shamelessly.

Nagtagal ang titig niya sa buhok nito lalo ng masilayan pa nya ito ng malapitan. Aside from different personalities, the twins also carry themselves way to differently. Junmyeon felt his throat went dry the moment he saw the male's braided hair.

Sehun got this long wavy hair that reaches his nape. Kung hindi headband, madalas ay nakalow ponytail ang lalaki. Pero pinakapaborito ni Junmyeon sa lahat ay ang mga araw na naiisipan ng binatang magtirintas. Sobrang cool, lalaking-lalaki tignan na parang rakista sa isang sikat na banda. It's just a simple single braid but it does a lot to Junmyeon.

“Huh?”

“Ang lala, kulang ka ba sa tulog? Anong order mo kanina pa kita tinatanong.” ani Willis matapos siyang kalabitin sa pangatlong pagkakataon.

“Sisig pa rin, tapos extra rice. 'Wag mo kalimutan pineapple juice ko ha!”

“Sa'yo brother dear?”

“Sisig nalang din sa'kin kuya.” magalang na pagsagot ng baby.

Lord pwede na siya humimlay. Napaka-cute na nilalang. Ang laking bulas pero ang sarap isako. Napasandal siya sa kinauupuan at napabuntong-hininga ng malalim.

‘Talk to him!’ sabi ng munting tinig sa isip niya.

‘Wag mong sayangin ang pagkakataon Junmyeon! Ito na ang chance mo!’

Nanigas siya sa kinauupuan ng maramdaman ang balikat ng katabi sa kanan niya. Nang lingunin niya ay saktong pagdating din ni Willis dala ang tray ng order nila kasama ang iba pa nilang kakilala, na sa tingin ni Junmyeon ay ka-member din sa club ng kambal. Saktong pang-anim na tao ang table nila kaya hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na iyon ng magsimulang umusog palapit sa pwesto niya si Sehun para makapwesto ng maayos yung tatlong bagong dating.

Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya sa makailang beses na pagtama ng balikat niya sa balikat ng lalaking katabi.

Paano naman siya magcoconfess kung sa konting tinginan at skinships lang ay para na siyang sinisilaban at malalagutan ng hininga?

‘Lord naman bakit nambibigla.’

Kakasubo niya lang ng kanin na may kasamang sisig ng maramdaman nanaman niya ang bahagyang pagyugyog ng balikat ni Sehun kakatawa sa kalokohan ng mga kaibigan, kung kanina ay mahinang bunggo lang ng balikat, aba ngayon ay talagang ramdam na niya ang pagsandal sa kaniya nito.

Napapikit sya ng mariin.

He let out a heavy breathe before he continues eating, this man will be the death of him.

***

Junmyeon badly needs help. Hindi na talaga nya alam kung ano ang dapat gawin.

He wants to confess but he was too shy to do it. He wants to befriend Sehun, yet again he's too shy to start a conversation without stuttering.

Sa tingin niya pa nga ay natuturn-off na sa kanya si Sehun. Worst is nabobored na sa presence niya. Masyado lang talagang mabait ang binatilyo kaya pinapansin pa rin siya nito. Bukod sa bestfriend siya ng kakambal ay natural na marespeto sa kapwa ang nasabing lalaki.

Inuntog-untog niya ang mukha sa table.

Ever since that memorable encounter sa canteen ay sinikap nyang umiwas muna sa pagsabay sa kambal. Lalo na ngayon at mukhang busy ang dalawa sa merging ng dance at drama club sa isang performance. Ayaw na niyang maulit pa ang kahihiyang ginawa niya noong nakaraan linggo kung saan muntik na niyang bugahan sa mukha ng kanin ang katabi ng hawakan siya nito sa balikat.

“Nakakahiya ka talaga Junmyeon!” mahinang bulong niya at sinabunutan ang sarili.

He can't think straight whenever Oh Sehun is around. And he can't stop himself from making a fool of himself too in front of his crush.

Hindi rin nakakatulong ang laging pagkkrus ng landas nila ng binata. Totoo nga iyong kasabihan na kung kailan mo pinlanong iwasan 'yung tao ay tsaka mo pa laging makikita. Tulad nalang no'ng nakaraan, hindi alam ni Junmyeon kung pinaglalaruan ba siya ng tadhana o ano.

Lecture nila no'ng sa Philippine History ng may biglang pumasok sa room nila, hindi naman niya pinansin dahil inabala niya yung sarili sa pag-aayos ng written notes and to-do list niya ng biglang naramdaman niya ang bagong presensyang umupo sa tabi niya.

Sino?

Walang iba kundi ang kakambal nanaman ng bestfriend niya.

Tahimik lang itong umupo sa tabi well, hindi naman na bago sa kaniya ang pakiki-seat-in ni Oh Sehun, dahil nga sobrang busy ng binata sa dance practice and other extra curricular activities, humahabol nalang ito ng lecture sa ibang klase. But this is the first time he sat beside him without the other twin's presence, the man is quiet, listening carefully to the prof's words. Strict ang professor nila sa subject na ito kaya walang naglalakas loob ang makipagdaldalan sa katabi o makipagkulitan manlang.

Next encounter happens a day later, nasa linrary siya noon kasama ang isa niyang classmate for a report na need nila ipresent as partners. Sa totoo lang medyo gahol sila at saktong nagloko pa ang laptop ng kapartner.

“Shit, sorry talaga Junmyeon, ngayon pa nagloko 'tong laptop ko.” nag-aalala at kamot ulong sabi ni Baekhyun.

Napakamot ulo nalang si Junmyeon dahil hindi na rin nuya alam kung ano ba gagawin. Nagdadasal na nga suyang sana nasave ang power point presentation na halos isang linggo nilang pinagtuunan ng pansin.

“Sira rin kasi laptop ko, pero 'wag kang mag-alala gagawan ko ng paraan.” akmang tatawagan na sana niya si Willis for back up ng mabilis na umalma si Baekhyun.

“Nako hindi na! Parts ko lang naman na 'yung kulang kaya ako na gagawa ng paraan tutal ako naman talaga nagslack in the first place.”

Walang na siyang nagawa kundi ang tumango, hindi naman tamad itong kapartner nya, pero mukhang busy din talaga sa dance troupe kaya kapos na sa oras para gawin yung part niya sa report.

Nagtipa ang petite na lalaki sa harap at nagthumbs-up sa kaniya as if saying na problem fix na. Sana pala hindi nalang siya um-oo dahil gulat na gulat siya ng matanaw ang isang Oh Sehun sa bukana ng library at may malawak na ngiting lumapit sa mismong table nila.

Dance troupe of course. Bakit nga ba nakalimutan ni Junmyeon iyon? Wala siyang nagawa kundi ang mautal-utal na kausapin ang lalaki. He's so sure that he looks so stiff too sitting beside the man while following his instructions. Bless him at nakasurvive naman siya, so does their report.

Akala nya last na encounter na iyon. But boy he was so wrong. For some reason ay lagi nyang nakikita ang binata sa kung saan. Kung hindi niya makakasalubong sa hallway ay makakatabi naman niya sa tuwing makikiseat-in ito. May pagkakataon pang napapadalas ang pagsabay nito sa table nila Willis every break time, minsan naman sa library katabi ng mismong table niya. Nitong nakaraan lang ay katabi nanaman nya ito sa upuan noong nagkaroon ng misa, walang ibang bakanteng upuan kundi sa tabi ni Junmyeon lang.

He also thinks that the guy he's clearly infatuated with ‘ doesn't swing that way ’

Junmyeon could only sigh. Seriously, the man isn't healthy for his heart.

Kaya heto sya ngayon umiiwas at kumakain sa open garden ng campus like a loner that he originally was. Kasabay dapat niya si Willis ngayon kaso may biglaang meeting with the drama club.

Napakamot sya sa kilay niya.

It's actually his choice to eat all alone in the garden even though Willis asked him to join Sehun and their other friends. Don't get him wrong, he's not a killjoy or what. In fact, it's not hard for him to connect and befriend the new addition. It's just that, his heart won't beat normally whenever Oh Sehun is around.

Kaya imbes na sumabay sa kanila ay nandito sya. He needs a breather okay? Kailangan muna huminga ng puso niya.