Work Text:
Walang emosyon na tinitigan ni Jeonghan ang inilapag ng nanay niya sa office desk niya, bago nag-angat ng tingin dito.
“Ma, ano ‘to?” hindi mapigilan ni Jeonghan ang mapabuntong hininga habang si Joshua ay tahimik na nakaupo sa sofa at nakatanaw sa city lights na kita sa opisina ni Jeonghan.
“Plane tickets and all your needed documents for your vacation with your husband, obviously!" irap na sagot ng kan’yang ina, ngunit hindi nawawala ang ngiti sa labi.
“Ma—”
“Everything is settled na, anak. Magbakasyon naman kayong mag-asawa, lagi na lang kayong nagtatrabaho, ni-hindi nga kayo nag-honeymoon noong nagpakasal kayo. Kailan niyo pa plano? Ilang buwan na lang mag-iisang taon na kayong kasal!”
Sinundan ni Jeonghan ng tingin ang ina na naupo sa sofa at katapat ni Joshua. Agad nabaling ang atensyon ng nakababata sa biyenan bago naglapat ang tingin nila sa isa’t isa.
Alam ni Jeonghan na hindi ito ang gusto ng asawa, lalo na at hindi naman sila ikinasal dahil sa sariling kagustuhan, kundi ay dahil sa kapakanan ng parehong kompanya. Gayunpaman ay hindi naman ilap sa isa’t isa ang dalawa, marahil ay dahil naiintindihan ang kahalagahan ng pag-iisang dibdib nila kahit sa papel lang iyon.
Noon pa lang naman ay magkakilala na sila dahil sa kanilang mga magulang, kung kaya’t hindi na rin sila nagulat sa kasunduang kasal. Siguro noon nang mga may kabataan pa sila ay tutol sila rito, pero dahil sila mismo ay ayaw pabayaan ang pinundar na kompanya ng pamilya nila ay tinanggap na rin iyon. Maaari naman silang mag-divorce, lalo kung magiging maayos ang lagay ng kompanya.
Purely business, ika nila. Magkasundo sila sa bagay na ‘yon, lalo dahil pareho naman sila ng mithiin. Ang hindi lang naman nila inaasahan ay ang patuloy na pagtulak sa kanila ng mga magulang nila.
“Ma, busy rin po kasi kami, eh. You know we’re trying to close a deal with Choi Enterprises. We’ve been working on that for the past months,” paliwanag ni Joshua, kalmado at banayad ang boses.
“I know, dear, that’s why you need this break kahit saglit lang. Hindi naman namin pababayaan itong kompanya, it’s stable, don’t worry about it too much,” saad ni Mrs. Yoon at hinawakan ang kamay ni Joshua. “A week of rest lang, mga anak. And maybe pagbalik niyo rito mas klaro na ‘yung isip niyo para sa trabaho.”
“Halata kasing stress na kayo at nag-aalala ang mama niyo,” banggit naman ng ama ni Jeonghan na kapapasok lang ng opisina.
Muling nagkatinginan ang dalawa, bago maliit na tumango si Joshua bilang senyales psra siya na ang sumagot.
“We’ll talk about it po, Pa, Ma,” sagot ni Jeonghan, tumayo sa pwesto niya at nagtungo sa likod ng sofa na inuupuan ng asawa. “We still have to consider our schedules—”
“I told you, son, everything is settled naman na. Naayos na rin ng mga secretaries niyo ang mga kailangan ayusin,” halata ang saya sa boses ni Mrs. Yoon.
Napakamot na lang sa kilay si Jeonghan dahil mukhang kailangan talaga nilang pag-usapan ito, pati na rin makausap ang secretaries nila. Ayaw na ayaw pa man din ni Joshua na hindi nasusunod ang schedule niya o hindi niya personal na aaprubahan iyon.
Awtomatiko ang isang kamay ni Jeonghan na lumapat sa balikat ng nakababata at marahan iyong pinisil, mahinang sinabi na siya na lang ang kakausap. Tumango na lang din si Joshua.
“Ma, please, next time tell us or let us decide on things like this first. We can’t always adjust our schedules just because.”
“Alright, I’m sorry about that,” sagot nito at hinaplos ang kamay ni Joshua bago ito bitawan.
“Kailan po ba, Mama?” tanong ni Joshua matapos nito.
“Next week na. Valentine’s week! What better days for you to celebrate your honeymoon, ‘di ba?” masayang sagot nito na mas lalong nagpakunot ng noo ni Jeonghan.
“Agad? Ma, at least give us two weeks naman—”
“Over naman, anak. Ayos na nga ang lahat. ‘Tsaka, it’s gonna be your first valentines as husbands, you should celebrate it!”
Aapila pa sana si Jeonghan nang hawakan ni Joshua ang kamay niyang nakapatong sa balikat nito at umiling, hinayaan ang dalawang matanda na ipaliwanag kung bakit kailangan nila iyon ipagdiwang.
—
Nang makarating sa bahay ay agad na nagtungo si Joshua sa sarili niyang kwarto upang makaligo at makapagbihis. Bigla kasi ay naisipan niyang magluto ng hapunan, tila ay hindi ramdam ang pagod. Napalingon siya sa office room nang mapansing nakaawang ang pinto no’n at bukas ang ilaw sa loob, panigurado ay si Jeonghan pa rin na tuloy sa pagtatrabaho.
Naiintindihan ni Joshua kung bakit subsob ito sa trabaho. Maging siya minsan ay naiiwan sa opisina para tapusin ang mga dapat gawin. Ang pinagkaiba ay kahit kailan hindi niya ito dinala sa bahay. He never liked the idea of his home being a place where he worked when it shouldn’t. However, he couldn’t just say the same with Jeonghan, not when it felt like it’s overstepping the unsaid boundaries.
With a sigh, Joshua heads to the kitchen. Naabutan niya si Manang na nag-aayos ng mga lulutuin na ipinasuyo ni Joshua.
“Ay, narito na pala kayong mag-asawa,” bati nito sa kan’ya. “Sigurado ka bang hindi ka pagod? Kaya mo magluto? Nasaan ang asawa mo?”
Kahit matagal na silang kasal ay hindi pa rin ito masanay sa tuwing naririnig ang salitang iyon kapag tinutukoy si Jeonghan. Ramdam niya ang init ng kan’yang tainga ngunit pinagsawalang bahala niya iyon.
“Opo, Manang. Thank you po pala sa pamamalengke,” saad ni Joshua habang naghuhugas ng kamay. “Nasa office room po si Jeonghan, nagtatrabaho.”
“Aba, nako, ang tahanan ay hindi opisina,” iling na banggit ni Manang na ikinatawa ni Joshua. “Ang alaga kong iyon talaga, hanggang sa pagtanda tutok sa gawain. Sa bahay na nga lang kayo nagkakaoras para sa isa’t isa.”
“Tatawagin ko na lang po mamaya, marami po kasi talaga siyang tinatapos,” paliwanag ni Joshua kahit sa isip niya ay sang-ayon siya kay Manang.
Saglit siyang pinagmasdan ng matandang babae bago ngumiti at tumango na lang. “Oh, siya, mauna na ako. Nariyan naman si Allan at hinatid ako.”
Sinundan siya ni Joshua hanggang sa may pintuan at nagpaalam. Doon kasi ito sa bahay ng magulang ni Jeonghan talaga nakadestino, at nakikisuyo lang sila sa tuwing may kailangan lalo sa pamamalengke. Kung minsan ay ito na ang nagluluto at naglilinis kapag masyadong busy ang dalawa.
Nagpatuloy si Joshua sa pagluluto at nakikinig sa mahinang musika. Habang naghihintay ay hindi niya mapigilan isipin ang pag-alis nila sa susunod na linggo, kung kaya’t binuksan niya ang email niya para tingnan ang detalye nito.
Italy.
Napatitig si Joshua sa nabasa at hindi napigilan ang maliit na ngiting kumawala sa labi niya. Noon niya pa ‘to gustong puntahan, hindi lang siya nakakakuha ng pagkakataon na makapagbakasyon dahil sa dami ng trabaho. Dahil dito ay hindi napansin ni Joshua ang asawa na sumandal sa kitchen counter at pinanood siyang may ngiti sa labi.
“Is it about next week?” Jeonghan softly asks.
Agad siyang napatingin kung saan nanggaling ang boses at napansin na nakapaligo at palit na ng damit ang nakatatanda. Sakto rin ang dating nito dahil malapit nang matapos ang niluluto ni Joshua.
“Yeah, I asked my secretary to forward the deets. It’s nice to know na our parents chose Italy,” may maliit na ngiting sagot ni Joshua bago asikasuhin ang niluluto.
Sumunod naman si Jeonghan upang kumuha ng mga gagamitin at ihanda iyon sa lamesa.
“Oo nga, eh. Naalala ko nabanggit mo na gusto mo magpunta roon,” ani Jeonghan habang inaayos ang lamesa habang si Joshua ay napatigil sa ginagawa.
Naalala niyang nabanggit niya ‘yon sa kanila noong college days, and it was during the time they were talking about random things. Hindi niya akalain na maaalala pa ni Jeonghan ‘yon.
Joshua bites his lower lip to stop himself from smiling too widely. Simple lang naman ‘yon, pero hindi maipagkakailan ang sayang dala kapag naalala ng mga malalapit sa’yo ang mga mga ganitong bagay.
Siguro dahil na rin alam niya sa sarili niyang may nararamdaman siya para kay Jeonghan. Noon pa lang namang kabataan nila ay hindi maitatanggi na agaw atensyon talaga ang kagwapuhan at katalinuhan nito. Mabait din siya kahit kung minsan ay pilyo, pero maalaga ‘yan lalo pagdating sa mga kaibigan.
Inisang tabi ni Joshua ‘yon, iniisip na ‘happy crush’ lang naman, at halos lahat naman ng kabatch nila ay may gusto kay Jeonghan, at isa pa ay masaya naman sila na magkaibigan sila. Gano’n pa man ay hindi iyon ang rason bakit pumayag siya magpakasal. Sa katunayan ay mas tutol pa siya kumpara kay Jeonghan.
Pangarap niya kasing makasal sa taong totoong mahal niya at mahal siya, cheesy mang pakinggan pero ‘yon naman talaga ang mithiin ng halos lahat. Isa pa ay alam ni Joshua na may nililigawan si Jeonghan noon, ayaw niyang maging rason para makahadlang sa totoong taong gusto ni Jeonghan.
Well, things happened and they ended up marrying each other. Hindi rin naman naging mahirap ang proseso sa pagitan nilang dalawa, napag-usapan naman nila ang mga bagay-bagay bago ikonsidera ang pagpapakasal. Kasama na ang kasunduan na open sila for divorce if one of them wished for it, as long as masiguro na talagang stable ang kompanya.
At kahit sa buhay mag-asawa, hindi rin naman naging mahirap para sa kanila ang sitwasyon. May adjustments man, nagawa naman nilang mag-adapt, siguro nga ay dahil nasa parehong pahina naman sila, may malinaw silang pag-uusap.
Ang hindi alam ni Jeonghan ay may pagkakataon na nahihirapan si Joshua sa set-up nila—not in a bad way, but in an extremely bad way for his heart, actually. Masyadong maalaga si Jeonghan, kahit kailan ay hindi niya naramdaman na napipilitan ito o ayaw niya sa sitwasyon na meron sila. Noong una ay naisip ni Joshua na baka pinakikisamahan lang siya nito, pero nang tumagal ay mukhang natural lang ang lahat sa nakatatanda.
Simula nang manirahan sila sa iisang bahay ay mas napansin ni Joshua ang mga kilos nito. Sa mga simpleng desisyon sa bahay, sa gastos, sa trabaho, lahat ‘yon ay pinag-uusapan nila. Hindi kailan man naramdaman ni Joshua na naroon lang siya bilang trophy husband, hindi dahil alam ni Jeonghan na may sarili siyang kakayahan magsustento, pero dahil may respeto si Jeonghan sa partner niya.
Kahit sa mga formal gatherings, Jeonghan never treated him any less than his equal. That’s really one thing he liked about him. Joshua feels heard, seen, and respected.
Sa opisina, kahit gaanong kadami ng kanilang trabaho ay sinisigurado niyang kakain sila ng tanghalian na magkasama, o kung may meeting ang isa sa kanila ay sinisigurado niyang may pagkain si Joshua. Kahit sa pagpasok at pag-uwi na hindi sila magkasabay ay may ilang minuto na nilalaan si Jeonghan para masigurong nakauwi ‘to nang ligtas o kung susunduin niya kapag si Joshua ang nagpaiwan sa opisina.
There were also times Jeonghan would unconsciously put a protective hand in the small of his back, or offer his forearm or hand when there were stairs, or open every closed door for him, or everytime na nagluluto si Joshua, siya ang nag-aayos ng hapag, maglilikom at maglilipit. May pagkakataon pa na siya ang dumadaan sa mall at groceries kapag may napansin siyang kulang o ubos na sa mga skin care at crafts hobbies ni Joshua. Kahit sa simpleng usapan at kwentuhan mapatrabaho man o ibang bagay, ramdam ni Joshua ang pakikinig nito sa kan’ya.
And the thing is that, Jeonghan doesn’t look like he knows what he’s doing as he does it so naturally. He doesn’t look like he’s trying.
Kung kaya’t hindi masisi ni Joshua ang sarili kung bakit siya tuluyang nahulog sa nakatatanda.
“Mabuti kamo at hindi na nila ginalaw ang itinerary at hahayaan na raw tayong gawin gusto natin,” natatawang banggit ni Jeonghan nang magsimula sila kumain. “Panigurado eh hindi rin natin ‘yon masusunod lalo kung wala roon ‘yung gusto mong wine-tasting festival.”
He really remembered, ah.
“Right,” Joshua answered with a laugh. “And speaking of, will you let me plan our itinerary? Of course, we’ll have to discuss the places we both want to visit, and such.”
Joshua watches the subtle, approving nods Jeonghan does when he tasted the first bite, seemingly satisfied with how the kare-kare Joshua cooked turns out, if the second spoonful he immediately scooped is anything to go by.
Joshua chuckles, pushing him a cup of water, telling him to be careful and to eat slowly.
“Masarap, eh,” tuwang aniya. “Oo naman, I’m good with anything and anywhere. Ano ba mga gusto mong puntahan, let’s hear that.”
This time, Joshua can’t fight the wide smile off his lips and the giddiness in his system.
—
As they wait for their flight number to be called, Jeonghan quickly browses his work email and replies to some. Joshua lets him until he closes the tab before he speaks, gentle and keeping his tone light to not sound like a push-over.
“I thought we agreed na no work muna tayo while we’re on our leave? Mama would nag you nonstop kapag nalaman niya ‘yan.”
Jeonghan hums, laughing quietly as he pushes his ipad in his bag, then his hand on Joshua’s knee, thumb drawing circles soothingly before he lets go. “Sorry, Dino said it’s urgent. Though, nasabi ko rin naman na tawagan na lang ako kung kailangang kailangan ako.”
Tumango si Joshua at sumandal sa balikat ni Jeonghan dahil medyo inaantok siya. Joshua had to do an overtime last night para lang masiguro na maayos ang lahat bago siya mag-leave, at si Minghao na secretary niya na mismo ang nagsabi na tatawagan niya si Joshua kung kailangan at na huwag nito buksan ang emails niya. Naalala niya pa ang mapang-asar na sabi nito na sana ay bumalik silang tatlo na, na agad niyang hinampas.
Minghao is his best friend since college, he basically knows everything about Joshua including his little happy crush noong college days nila.
“Antok?” mahinang tanong ni Jeonghan at umisod upang mas maging komportable ang pagkakasandal sa kan’ya ni Joshua. Tumango si Joshua at humikab. “Pigilan mo muna, sasakit ulo mo kapag umidlip ka, malapit na boarding natin. Gusto mo ba bilhan muna kita ng maiinom?”
“No, it’s okay,” mahinang saad niya at nanatili sa pwesto. “I won’t be able to sleep mamaya if ever.”
Tumango lang si Jeonghan, at muling inilapat ang kamay sa tuhod ni Joshua, mabagal at marahan na hinahaplos iyon, pero sa pagkakataon na ‘yon ay nanatili lang ‘yon doon hanggang sa matawag ang number nila.
Si Jeonghan na ang nagtulak ng isang suitcase nila at isang bag, habang hawak ang kamay ni Joshua, alam na antok pa ang asawa.
Mabuti na lang din at napagdesisyunan nilang mahahalaga lang ang dalhin at ang ibang gagamitin ay doon na lang bibili para hindi na rin hassle sa bitbitin.
Nang makaupo ay hinayaan ni Jeonghan na sa window seat na maupo si Joshua upang makatulog nang ayos, kahit apila ni Joshua ay ayos lang naman na hindi na. Hindi naman ito natinag.
“Excuse me,” tawag ni Joshua sa dumaan na flight attendant. “Can we get an extra blanket, please. Thank you.”
Agad na inayos ni Joshua ang blanket na inabot sa kan’ya ng flight attendant bago ibigay kay Jeonghan. Mabilis kasing lamigin ito, lalo kapag natutulog. Nginitian at tumango si Joshua nang mahinang magpasalamat sa kan’ya si Jeonghan.
—
Mabuti na lang at gabi nang makarating sila sa Rome dahil paniguradong manghihinayang si Joshua kung hindi sila makakapaglibot agad dahil masakit ang ulo niya at may jetlag sila.
Nang makarating sa hotel na kanilang panandaliang pagtitigilan ay agad niyang pinagbihis at pinagpahinga si Joshua, matapos ay siya naman ang naligo at umorder ng dinner para makainom ng gamot si Joshua at makapagpahinga silang pareho.
Naupo si Jeonghan sa kama sa tabi ni Joshua nang maayos ang hapag at maihanda ang gamot. “Shuji, hey, kain ka muna,” malumanay na paggising nito.
Joshua hums, struggling to open his eyes but tries anyway. Jeonghan chuckles at that.
“Kain po muna so that you can drink your meds,” tinulungan niya itong maupo, hinawi ang buhok na humaharang sa matang hirap imulat bago tumayo. “Para magdiretso na rin tulog mo.”
Jeonghan finds Joshua adorable everytime na sumasama ang pakiramdam nito, although he wouldn’t wish for his husband to feel sick. Sadyang lumalabas kasi ang pagiging clingy pero masunurin din, alam ni Jeonghan kung gaano kaayaw ni Joshua kapag may sakit siya or mabigat na pakiramdam.
Jeonghan reaches out, the back of his palm gently presses on Joshua’s forehead and cheek. Jeonghan smiles when Joshua instinctively leans in his touch and still says, “I don’t think I have fever naman. Masakit lang ulo ko, I’ll be fine kapag nakatulog na.”
“Okay, pero kapag masama pa rin pakiramdam mo magpapahinga tayo hanggang bukas. Hindi mo rin naman mae-enjoy kung maglilibot tayo nang gan’yan lagay mo,” paalala ni Jeonghan na kinatanguan ni Joshua.
When they’re done, Joshua quickly gets back to resting, kasi gusto niya raw na mawala na sakit ng ulo niya at makagala sila bukas. Natatawa na lang na napailing si Jeonghan at inayos ang gamit nila, bago lumapit sa kama para kumuha ng unan at sa cabinet para kumuha ng extra blanket.
“You can sleep here, it’s fine,” Joshua says albeit sleepily, but he moves aside to make room for Jeonghan. “I’ll turn to the other side so that hindi ko mapasa sa’yo sakit ng ulo ko.”
May maliit na ngiti sa labi ni Joshua nang marinig niya ang tawa ni Jeonghan, pero hindi pa rin ito lumapit. “Ayos lang naman ako sa couch, matulog ka na, Shuji.”
“It’s not ayos,” Joshua’s eyes snap open, blinking at him with a small pout and brows knitted together. “Come here na, we paid for the comfy bed better to make use of it. Sasakit katawan mo sa couch, we can’t have that kasi gagala pa tayo bukas.”
Jeonghan laughs yet again as he heads to where his husband is resting.
“Just say na gusto mo akong katabi, hindi naman ako tatanggi,” biro ni Jeonghan at naupong muli sa kama. Nakatagilid si Joshua, nilalabanan ang antok na nakatingin sa kan’ya. “Tulog na, dito na nga po tutulog.”
“No, not until you settle here,” Joshua replies, softly tapping the vacant space beside him.
Hindi naman na umangal si Jeonghan at nahiga na roon, natawang muli nang makitang malapad na ngiti ni Joshua kahit antok na antok na ‘to.
“Good night, Shuji,” malumanay na saad ni Jeonghan.
“Nighty,” Joshua hums, nuzzling his own pillow, “Hannie.”
Jeonghan then stares at his husband, his own chest feels lighter just seeing him falling into slumber. Saglit lang ay ramdam niya na rin ang antok at pagod, but he’s not tired enough to not feel Joshua’s smallest finger hooking with his under the comforter. He doesn’t pull away, instead he shifts and holds Joshua’s hand, their eyes still closed, tiredness creeping in their system.
“I do,” Joshua mumbles, Jeonghan almost misses it. He hums, letting him know he’s still awake enough to listen. “I do want you here.”
—
Joshua is the first to wake up, the throbbing pain in his head finally dissipated. Sa tabi niya ay mahimbing pa rin na natutulog si Jeonghan, hawak pa rin ang kamay niya. Nahihiya man dahil naaalala niya ang mga ginawa ay hindi niya mapigilan ang matuwa at kiligin.
Imbis na tumayo ay nanatiling nakatitig si Joshua sa natutulog na asawa. Naalala niya ang usapan nila ni Minghao noong nakaraan, na baka ito na rin daw ang pagkakataon para umamin si Joshua. Hindi tulad noon, kapag napag-uusapan nila ito ni Minghao ay agad siyang tumatanggi, iniisip na baka binibigyan niya lang ng ibig sabihin ang mga kilos ni Jeonghan.
Hindi naman siya natatakot ma-reject kung sakali man, dahil hindi naman siya aamin para lang mabalik ‘yung nararamdaman niya. Kung dumating man sa araw na masasabi ni Joshua ang nararamdaman niya, ayos na siya roon.
However, the last time he talked with his friend, he didn't deny the idea of confessing. Still, ayaw niya naman pilitin si Jeonghan na ibalik yung nararamdaman niya. That’s why Joshua decided to just enjoy their vacation as husbands, to not stop himself from acting as one. Jeonghan doesn’t have to do the same, but then, Jeonghan has been acting as one since they’re married even without him knowing.
Hindi niya alam kung saan siya bigla nagkaroon ng lakas ng loob, pero inisip niya na lang na epekto ito ng bakasyon na silang dalawa lang ang magkasama, at dahil buwan ng pag-ibig ngayon. It’s all cupid’s works, yes.
Joshua glances down on their hands, warmth spreading in his chest. Jeonghan held his hand last night, when all Joshua asked was a contact. In any other time, Joshua would turn down the hope that started to bloom inside him, but not today. Not this week. Not when they are still together. Not when Jeonghan stirs in his sleep and squeezes his hand, pulling him closer.
—
They had breakfast in town before walking around Colesseum, while Jeonghan still nags him making sure he’s feeling better. Joshua assures him, thanking him for it.
“Sige, naniniwala na akong maayos na pakiramdam mo. Ang laki na ng ngiti eh,” Jeonghan says, letting go of his hand as he poses for the camera Jeonghan points at him.
They’ve been walking around while holding hands, paanong hindi lalaki ang ngiti niya? Hindi naman nila ‘yon pinag-usapan, bagkus ay dahil lang natisod si Joshua kanina pagkalabas ng hotel. Hindi siya nagtumba dahil agad na nahawak ni Jeonghan ang kamay niya para hindi siya magtumba, at mula no’n ay hindi na muling binitawan. Kahit nang paglabas nila sa restaurant ay nakahawak si Jeonghan sa kamay niya, maging sa tuwing matapos mag-picture. Saad niya rin ay dahil para masiguro na hindi siya naliliyo o kung ano man.
When they are at the Arch of Constantine, the couple glances at the owner of the voice who calls Jeonghan. Sakto rin kasi na si Jeonghan ang kinukuhanan ni Joshua ng litrato at mukhang hindi siya napansin nito.
“Hala, ikaw nga!” masayang saad ng lalaki at lumapit kay Jeonghan.
Hindi ito kilala ni Joshua, iyon yata ang unang beses na nakita niya ito. He looks pretty and soft-looking, one that easily gets anyone’s attention. He has a friendly vibe in him. Still, Joshua opts to stay in his place, not wanting to interrupt when recognition flashes Jeonghan’s face.
“Seungkwan,” bati nito. “It’s been so long, hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”
“More or less fifteen years ago, oo,” tawang sagot naman ni Seungkwan at pabirong hinampas si Jeonghan. “Kailan ka pa rito? Travel?”
“Ah, oo, kararating lang namin kahapon,” lumingon si Jeonghan kay Joshua at tinanguan ito nang may ngiti sa labi. Mabagal naman na naglakad si Joshua papunta sa pwesto nila. “I’m with my husband, bakasyon lang saglit.”
Doon ay nilingon siya ni Seungkwan at nginitian nang malaki, kaya ibinalik iyon ni Joshua at nagpakilala. “Hi, I’m Joshua.”
“Hala, ang ganda,” aniya at nakipagkamay kay Joshua. “I’m Seungkwan, Jeonghan’s schoolmate no’ng high school. Congrats on your wedding! Loko ka, hindi mo man lang ako ininvite!” saad nito at humarap kay Jeonghan.
“Sa LA kasi, hindi na rin talaga kami nakapag-invite,” paliwanag ni Jeonghan, at bigla ay naramdaman ni Joshua ang kamay niya sa likuran niya, nanatili roon. “Ikaw ba? Living here for good?”
Hindi nakawala sa mata ni Joshua nang mapatingin si Seungkwan sa kamay ni Jeonghan, at malaki ang ngiti na tiningnan sila pareho pero hindi siya nagkomento, bagkus ay sinagot ang tanong ni Jeonghan.
“Oo, pero we’re staying in the countryside. But we have projects here sa Rome ni Vernon, kaya nandito kami,” sagot nito.
“Talaga nga namang high school sweethearts ang atake, kayo pa rin pala ni Vernon.”
“Na para bang gusto mo kaming maghiwalay!” sita ni Seungkwan na maging si Joshua ay natawa. “Hindi naman ako papayag. Sa’kin ‘yon eh.”
“Naknang, wala namang ibang umaangkin eh,” sagot ni Jeonghan na pabirong inirapan ni Seungkwan.
“Makasabi naman ‘to akala mong hindi mataas ang bakod,” Seungkwan teases, pointedly looking at the arm of Jeonghan. Joshua blushes but he doesn’t move moreso Jeonghan. “Pero mauna na ako, at alam ko namang marami pa kayong pupuntahan.”
“Ingat, it’s nice to see you. Pakikumusta na lang kay Vernon,” ani Jeonghan.
“It’s nice meeting you, Seungkwan,” sagot ni Joshua.
Nang makaalis si Seungkwan ay nagpatuloy na ulit silang maglibot habang kinukwento ni Jeonghan kung paano niya naging kaibigan ang nakababatang iyon, at kung paano nagkakilala si Seungkwan at Vernon nang dahil din kay Jeonghan, all the while holding Joshua’s hand.
—
They stayed in Tuscany for the next few days, Joshua almost dragging Jeonghan to every place he could think of. Jeonghan doesn’t mind, he actually enjoys seeing him so full of energy, laughing unworriedly.
It is one morning when Jeonghan suddenly stops as he stares at Joshua, smiling so tenderly as he glances around them. The soft, golden glow of the rising sun paints gently on his husband's skin. Jeonghan catches himself watching the younger, his fingers slowly clutching the basket of the hot air balloon they’re riding.
“It’s so pretty here, Hannie,” saad ni Joshua habang nakatingin sa magandang tanawin at sa unti-unting pag-angat ng araw. “I can’t believe we’re actually here! Parang before, it was just one of my dreams when I was a kid.”
Joshua giggles, eyes still locked on the unfolding scenery. Hindi maipaliwanag ni Jeonghan ang nararamdaman. His heart beats just the same, his stomach doesn’t flutter, but there’s warmth spreading in his chest, heavy yet he breathes just fine.
Ngayon na totoong pinansin na ni Jeonghan ang kakaibang pakiramdam, he’s admittedly feeling it since—since Joshua happened, since the wedding happened. Lagi niya iyong sinasawalang bahala, thinking it was never about anything. Granted, masyadong okupado ang oras niya para pansinin iyon.
But since the moment they arrived in Rome, this warmth has been insisting, the weight a little heavier to carry. Still though, it’s hard to name something you don’t understand in the first place.
This time, however, Jeonghan watches the cause of it; gorgeous in the way the morning sun bathes him, eyes sparkling like they are full of stardust, and Jeonghan wills himself to not miss this very moment. He wants to keep this in his memory.
Lumapit si Jeonghan at hinawakan ang kamay ni Joshua na dahilan upang tingnan siya nito. Ibinalik ni Jeonghan ang ngiti, bahagyang hinalikan ang kamay at nakatitig lang kay Joshua.
“I’m glad we’re here.”
—
Jeonghan watches his husband hops from one store to another as they stroll around the city of Florence. Ito na naman ang pakiramdam sa tuwing nakikita ang asawa sa kahit anong bagay na ginagawa nito. Hindi rin nakatulong na sa ilang araw na pananatili nila roon ay mas naging malapit sila sa isa’t isa.
They instinctively hold hands as they walk around, Jeonghan casually guiding him with his hand on the small of his back when there’s a crowd, Joshua practically clinging onto him as he pulls him to anywhere that catches his interests. Kapag nasa hotel din ay para bang normal lang na matulog sila sa iisang kama—well, they are married, that’s basically normal—but they are not married like that. The sleeping itself is not something Jeonghan worries about, but the quiet, gentle cuddles that come as they settle after a long day of walking around. It’s not because it’s unwelcome, but it’s because it’s not unwelcome at all.
Minsan naiisip niya na totoo bang ayos lang sa kan’ya ang sitwasyon nila? But then, Joshua never does something he doesn't like, and it’s not like Jeonghan wants the two of them to stop. Gusto niya rin naman.
Jeonghan has become so aware of him now that they are all alone in a different country, having too much time for themselves to care for different things and work.
Kahit gano’n ay ayaw pangunahan ni Jeonghan ang nararamdaman, lalo na at hindi naman sila nasa normal na samahan. Ayaw niyang magkamali siya at iyon ang maging dahilan na masaktan niya si Joshua, lalo na’t hindi naman sila ikinasal tulad ng ibang mag-asawa.
“You’re staring,” nakangusong saad ni Joshua habang hawak ang dalawang damit na tinatanong niya kay Jeonghan kung anong mas bagay sa kan’ya. “You’re not answering me naman.”
Hindi na nilabanan ni Jeonghan ang ngiting kumawala sa labi niya dahil sa inaasta ng asawa, at huli na rin nang pigilan ang sariling kamay na hawiin ang buhok ni Joshua at inipit sa tainga nito. Saglit na gulat na napatingin si Joshua sa kan’ya pero hindi siya nagkomento, kung kaya’t ginawa niya itong senyales na ayos lang iyom kay Joshua.
“Bagay naman po kasi pareho,” sagot ni Jeonghan, bahagyan natawa dahil inirapan lang siya nito.
“Well, news is I can’t wear them both nang sabay,” masungit na saad nito at muling humarap sa salamin, inilalapat nang salitan ang dalawang damit.
Pinanood siya ni Jeonghan bago lumapit sa may likuran nito, at mula sa likod ay hinawakan niya ang light blue polo na hawak ni Joshua sa harap. Ramdam niya ang panandaliang pagtigil ni Joshua na nakatingin sa mga bisig niya na halos yumakap sa kan’ya bago nagtagpo ang tingin nila sa salamin.
“Ito, bagay na bagay sayo,” mahinang ani Jeonghan, mga mata’y nakatuon kay Joshua sa salamin. “Tapos isusuot ko ‘yung pinili mong shirt para sa’kin.”
Lumayo si Jeonghan at naupo sa sofa, nakatuon pa rin ang atensyon niya kay Joshua. Joshua clears his throat, nodding before he goes inside the bathroom to prepare.
Plano kasi nilang umattend sa wine festival sa Greve in Chianti. Joshua looks forward to that one too as someone na mahilig sa mga wine at may sinimulan na collection sa bahay nila.
Nang makapag-ayos ay agad silamg nagtungo sa bazaar. Halos hindi malaman ni Joshua kung ano ang uunahin sa sobrang dami niyang gusto subukan. Jeonghan teasingly tells him to calm down, bago sila nagsimula magpunta sa iba’t ibang booth. Joshua laughs so hard nang magpanggap si Jeonghan na isang vlogger na pinagkukumpara ang mga iniinom nila o kung may partikular na kakaiba sa lasa noon.
Sumaglit si Jeonghan upang magbanyo nang nakapila pa lang si Joshua sa isang booth. He leans closer, whispering for him to wait at doon lang maghintay. Tumango si Joshua at kinuha ang hawak niyang wine glass para siya muna ang magdala no’n.
When Jeonghan comes back, he sees Joshua at the same booth at may kausap na lalaki. He’s leaning against the pole, seemingly enjoying the attention Joshua gives him. From where he’s standing, he can clearly tell na magkakilala sila dahil sa tawa at pakikipag-usap ni Joshua.
But there’s something in the way the man looks at Joshua that makes Jeonghan arch his brow and a mild annoyance creeping up his bones. There's this hint of possessiveness that Jeonghan has never felt before.
“I didn’t know you’re already married, Shua,” ngiting saad ng lalaki kay Joshua.
“He is. So now you can stop flirting with my husband.”
Before he could process anything, Jeonghan strides to where they are, hands resting on Joshua’s waist. Agad lumingon si Joshua sa kan’ya dahil doon. Lumingon din sa kan’ya ang lalaki at umayos nang tayo habang nakatitig sa kan’ya. Hindi naman nagpatalo si Jeonghan na nilabanan iyon.
“Oh, I see, you’re the husband pala,” the man responds, a subtle smirk of amusement in his lips that makes Jeonghan blood boil. “I’m Wonwoo.”
Wonwoo. Jeonghan doesn’t know where he heard that name, or why it’s familiar to him.
“He’s a friend from my high school,” sabi naman ni Joshua at humawak sa kamay niya.
High school. Ah, ‘yung crush ni Joshua. ‘Yung nakwento niya noong may tinanong sa kan’ya si Hoshi.
Wonwoo shrugs before Jeonghan can respond, his attention directed to Joshua.
“Anyway, I’ll get going, Shua. Huwag mo kalimutan ‘yung sinabi mo ah,” sambit nito at lumingon kay Jeonghan na bahagya siyang tinanguan.
“Yes, I promise. We'll check it out,” Joshua replies softly, smiling all the while. Jeonghan turns to him and realizes how red Joshua’s face is. He doesn’t look like he’s tipsy at all, but Jeonghan takes that as a sign for them to stop drinking.
Nang makaalis si Wonwoo ay nagyaya si Jeonghan na maghanap nang kakainan at para rin makaupo na sila. He pulls Joshua closer to him as they pass by the crowd and into a restaurant. He takes the seat beside his husband, Joshua leaning onto his side, telling him what he wants to eat.
As they wait for the food, Jeonghan takes Joshua’s hand that’s resting on his thigh, then Joshua quietly plays with his palm. Tahimik na nakasandal lang si Joshua sa balikat niya, habang si Jeonghan ay pinanonood ang kamay niya na kung anu-ano ang sinusulat sa palad niya.
Nilingon siya ni Jeonghan nang mahima siyang tumawa, ngunit hindi ito nag-angat ng tingin kaya’t tinanong siya ni Jeonghan kung bakit.
“You’re sulking,” tawang saad ni Joshua. Hindi sumagot si Jeonghan pero napaangat ang kilay. “See, you’re sulking.”
“Ha? Bakit naman?” tanong nito.
Lumayo nang bahagya si Joshua para titigan siya, hindi nawawala ang ngiti sa labi. “You tell me, bakit?”
Nagtatakang tumitig din sa kan’ya si Jeonghan, hindi maintindihan ang pinupunto ng asawa. Napailing si Joshua at bumitaw, na naging dahilan kaya bumaba ang tingin ni Jeonghan doon. Hindi napigilan ni Jeonghan ang bibig nang lumabas ang mga salitang, “Why did you let go of my hand?”
Saglit na tumitig si Joshua sa kan’ya at tuluyan nang tumawa. Naiirita si Jeonghan sa pagbitaw at sa magulong usapan nila pero hindi niya mapigilang hindi panoorin ang walang pigil na tawa ni Joshua, tila tuwang tuwa sa kung ano mang nasasaksihan niya.
“God, Hannie, you’re impossible,” Joshua says in between his giggles.
“You didn’t answer why,” mahinang saad ni Jeonghan at inilahad ang kamay niya upang hawakan ‘yon ni Joshua.
Lalong natawa ang nakababata bago ilapat ang kamay niya at agad hinigpitan ni Jeonghan ang hawak doon, pero hindi sapat para masaktan si Joshua.
Joshua bites his lip as he stares at their intertwined hands before answering. “Wonwoo’s a friend from high school. He invited us sa opening ng winery niya bukas. That last booth is actually his kaya I went there. I wanted to congratulate him. Also kasi they’re expecting na ng asawa niya.”
Jeonghan hums, nodding his head, unconsciously caressing Joshua’s knuckles. “Ah. Bakit mo sinasabi sa’kin?”
Joshua hums, pakiramdam niya mapupunit na labi niya sa laki ng ngiti niya dahil sa inaasta ni Jeonghan. Nakatingin ito sa kamay nila kung kaya’t iniangat niya ang mukha nito gamit ang isa niyang kamay.
“Because you’re acting like you’re jealous,” sagot ni Joshua, natutuwang makita ang napatigil na Jeonghan, tila pinoproseso ang mga salitang binanggit ng asawa.
Ah, that’s it. That’s the unease I felt when I saw him. Jeonghan realizes. He gazes up again at Joshua who seems to be so entertained with what he’s seeing. Suddenly, Jeonghan feels the need to turn this little teasing of his husband into his own amusement.
So Jeonghan takes his other hand and pulls him closer, his doe eyes widened in surprise with how close their faces are. Jeonghan fights back his smile when red paints Joshua’s cheeks brighter than they already are.
Pinanood niyang bumaba ang mata ni Joshua sa labi niya bago salubungin ang tingin niya, napalunok nang mapagtantong nakita ni Jeonghan ang pagbaba no’n. Now, Jeonghan feels like he’s winning the game Joshua just started.
“And what if I am?” nanunubok na tanong ni Jeonghan, seryoso at nakatuon ang buong atensyon sa namumulang mukha ng asawa.
Joshua’s breath hitches, then weakly pushes Jeonghan away, which Jeonghan lets him, but he doesn’t let go of his hands. Akala ni Jeonghan ay isasawalang bahala ito ni Joshua dahil inirapan lang siya nito at lumingon sa ibang bagay, but Joshua huffs, mumbling something Jeonghan misses.
“Hindi ko narinig, Shuji,” ani Jeonghan, at siya naman ang nagbaling ng mukha ni Joshua para tingnan siya. Joshua turns to him, but his eyes are shut tightly, which makes Jeonghan laugh. “Baby, I said ‘di ko po narinig.”
Joshua whines, and Jeonghan bites his lip hard dahil sa sobrang laki ng ngiti niya. His husband is so endearing, it takes him everything to not kiss him. “Ano nga po ‘yun? Asawa ko—aray! Hahaha, ba’t naman nangungurot?”
“Kainis ka!” saad ni Joshua bago isiniksik ang mukha sa balikat ng tumatawang si Jeonghan. “Ewan ko sa’yo.”
“Hindi na po,” tawang sagot nito at muling hinaploas ang kamay ni Joshua para aluin ito. “Hindi ko talaga narinig, Shuji. Ano nga ‘yung sinabi mo?”
Joshua huffs, responds quietly. “I said you don’t have to get jealous. I didn’t really have feelings for him.”
That’s all he has said, and that’s already enough for Jeonghan. He hums, kissing the back of Joshua’s hand. The truth is that he doesn’t mind if he had fallen in love with anyone before, it happens, anyway. Though, he couldn't fathom the image of Joshua with someone that isn’t him. Because that is not impossible to happen, and the thoughts are like daggers cutting through the layers of his chest. He hates it.
—
They said nothing for the rest of the dinner, though both of them felt the pulsing tension between them. Magkahawak pa rin ang kamay nila pabalik sa hotel, pero walang nagtatangkang magsalita. Hindi rin naman awkward, kung tutuusin ay komportable sila sa katahimikan, hindi lang maitatanggi na may nagbago.
When the door of their room closes, it is Joshua who bridges the gap, his hands on either of Jeonghan’s shoulders, holding onto him as their lips pressed together, while Jeonghan anchors him with his hands clasping his waist pulling him against him.
Their kiss is soft, gentle in the way they move, just lips pressing against another. They kiss like they have all the time in the world, not rushing contrary to how fast their hearts are beating inside their cages.
When they stop, their foreheads against another, breathing heavily. Joshua’s eyes are closed as Jeonghan watches him. Jeonghan lifts his chin to press another kiss on his lips, then another, and another before he kisses Joshua’s forehead, drawing a smile on the younger’s lips.
Nagmulat nang mata si Joshua at pinanood si Jeonghan na pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha niya, habang hawak pa rin ang baba niya at ang hinlalaki ay marahang hinaplos ang labi at pingi niya. Iniyakap ni Joshua ang mga braso niya sa leeg ni Jeonghan bago ito hilahin palapit upang muling maglapat ang mga labi nila.
Sa pagkakataon na ‘to ay mas lumalim ang kanilang halikan, humigpit din ang hawak ni Jeonghan sa bewang niya at hinapit papalapit. Jeonghan kisses him as gently as he can even with the growing intensity, and doesn't want to lose control when there are still things they need to talk first and an alcohol in their system.
They don’t break the kiss even when Jeonghan guides them in their room, sitting on the bed as Joshua settles himself on Jeonghan’s lap. As the kiss deepens, Jeonghan softly bites Joshua’s lips, eliciting a low moan from Joshua that makes him almost snap. Joshua’s lips parted, welcoming Jeonghan’s tongue with a touch of his. Another moan leaves Joshua’s throat as Jeonghan laps inside his mouth, and he groans whenever Joshua’s tongue meets his.
Joshua wipes the trail of saliva when they break off to catch their breath, small giggles escaping him as Jeonghan peppers him with small kisses on his face, arms wrapped around his waist to support Joshua above him.
“Should we talk now?” Jeonghan asks, pulling away just enough to face each other. Nang tatayo sana si Joshua para maupo sa tabi niya ay humigpit ang hawak ang yakap ni Jeonghan sa kan’ya at umiling. “Dito ka lang sa’kin, Shuji.”
Pabirong umirap si Joshua bago paglaruan ang collar ng damit na suot ni Jeonghan. “I thought mag-uusap tayo?”
“Oo nga, pero pwede naman tayong mag-usap nang nakakandong ka sa’kin,” seryosong sagot ni Jeonghan na ikinaakyat ng init sa mukha ni Joshua. Mahina niyang tinapik si Jeonghan sa balikat na ipinagkibit-balikat ng nakatatanda.
“Ang landi, Jeonghan Yoon, ah,” tawang sagot nito.
“Well, news is pwedeng landiin ang asawa, Joshua Hong-Yoon,” Jeonghan shrugs, laughing loudly when Joshua pinches his side.
“Huwag na lang mag-usap, maglandian na lang tayo,” sarkastikong sagot ni Joshua ngunit malaki ang ngiti sa labi.
“Pwede naman,” birong sagot ni Jeonghan at akmang hahalik ng harangin siya ng kamay ni Joshua. Kaya’t hinawakan niya iyon at saka hinalilan ang likod ng palad.
Tumayo si Joshua at hindi pinansin ang inarte ni Jeonghan, marahan siyang hinila upang maupo sa couch. Natawa naman si Jeonghan dahil alam niya kung gaano kaaway ni Joshua na mahiga sa kama nang naka-outside clothes. They sit comfortably on the couch, Joshua’s shoulder pressed on Jeonghan’s chest, leaning on him. Jeonghan’s arms are around Joshua’s waist, while Joshua’s hands are playing with Jeonghan’s fingers.
Ilang minuto ang lumipas na gano’n lang ang kanilang ginagawa, tahimik at walang nagsasalita. Pareho kasi nilang iniisip ang mga gustong sabihin, sinisiguradong masasabi nila ang mga dapat banggitin.
“Bakit ka pumayag magpakasal?”
“Why did you agree to the marriage?”
Napatigil silang pareho sa sabay nilang pagsasalita at natawa.
“I want you to be honest, Jeonghan. If it’s purely for convenience, I wouldn’t take offense to that, I just want you to be honest with me.”
Joshua nudges him to answer first, which Jeonghan does, eyes locked on their hands.
“Kasi naisip ko I wouldn’t mind if it’s with you,” sagot ni Jeonghan. Hindi nagsalita si Joshua at hinayaan siyang magpatuloy. “Kasi alam kong gusto mo rin maging maayos ang kompanya, at mas madali tayong magkakasundo kasi pareho ‘yung gusto nating mangyari. Maybe we can say na, oo, for the sake of our companies but also not, because you’re someone already dear to me. You’re a friend before anything else. Pero nung sinabi nila ‘yon, I told them na kung ayaw mo, we should respect it. Ayokong itali ka sa sitwasyon na hindi mo gusto.”
“That’s why you worked so hard keeping the company upright kahit parang we’re against all odds,” Joshua remembers.
“Oo, at iniisip ko na baka kaya gawan ng paraan na hindi ka maaapektuhan, kasi kami ‘yung mas may kailangan kung tutuusin. And your family really wants to help us. Kahit gano’n, sinabi ko sa sarili ko na kaya ko ‘yon iangat, na kahit abutin ng ilang taon susubukan kong bayaran ang utang na ninakaw ng kapatid ni Mama.”
“But I changed my mind, I agreed.” Joshua continues.
Jeonghan hums, leaning his chin on Joshua’s shoulder. “What made you change your mind?”
“Because I wanted to help, not because we took pity or anything sa sitwasyon ng company niyo, but because we see the potential of what you could be and how far you can make it. And that, we needed your help, too.” Joshua admits. “I actually refused the marriage because you were courting someone even before makuha mo ang posisyon sa kompanya niyo. I don’t want to meddle.”
“When that time na you were struggling to keep your company going, we were dealing with contract issues with the investors. Everyone wanted to pull out. While you needed the money, we needed an operation,” Joshua says. “Sabi ko kaya ko solusyunan without that marriage. But then, this is business. Everything can be a strategy, everything can be a weapon, only if we know how to wield it and use it to our advantage.”
“Sexy brain,” birong bulong ni Jeonghan, but he’s agreeing with all Joshua had said. Business is business.
Joshua laughs and flicks his palm. Nagpatuloy sila sa usapan tungkol sa sitwasyong iyon hanggang sa kasunduan. When all said is done, Jeonghan asks him.
“When did you realize?” Jeonghan asks, shifting to have Joshua almost laying on his chest.
“My feelings?” tumango si Jeonghan, natutuwa sa pula ng mukha ni Joshua. But he’s never prepared for what his answer is. “It’s always been there.”
Napatigil si Jeonghan na agad napansin ni Joshua. Tumayo si Joshua at naupo nang ayos para makaharap kay Jeonghan, magkahawak pa rin ang kamay.
“Let’s just say I had a bit of a crush with you nang college—stop smiling like an idiot,” tawang saway ni Joshua dahil sa lapad ng ngiti nito sa kan’ya.
“Type mo pala ako, ah,” ngiting saad nito.
“I said just a crush,” irap muli ni Joshua. Tumawa si Jeonghan at hinalikan ang kamay nito para magpatuloy sa kwento. “Well, you made it hard to not fall in love with you. Aminin mo, sinasadya mo ‘yon?”
“Ha? Ang alin?” nagtatakang tanong ni Jeonghan sa biglaang pagsisi sa kan’ya.
“Of how you treated me, taking care of me, of us. All that you have done since we got married,” Jashua says, then averting his eyes to stare at their hands. “Like I’m… like I’m your husband.”
“Because you’re my husband, Shuji,” sagot ni Jeonghan na para bang takang taka siya sa sinasabi ni Joshua.
“Not that but like, uhm.. like I’m your real husband,” paliwang ni Joshua.
Lalong kumunot ang noo ni Jeonghan. “Oo nga, you’re my real husband naman ah. Kasal po tayo, baby.”
“Not like that kasi! Basta, everything that you did,” pilit ni Joshua.
“I mean, I don’t see any reason why I would treat you anything less than an equal. Asawa kita, so bakit hindi kita itatrato bilang asawa? Ang gulo naman no’n, Shuji.”
Hindi napigilan ni Joshua ang tawa niya, dahil bukod sa confused na mukha ni Jeonghan ay dahil sa tuwa sa katotohanang hindi kailanman nagpanggap si Jeonghan, na lahat ‘yon ay natural niyang ginawa.
“You’re such an idiot, I love you so much,” sa tuwa ay mabilis na hinalikan ni Joshua si Jeonghan sa labi. It is supposedly a peck, but Jeonghan quickly catches him, his hand on the back of Joshua’s neck kissing him deeply.
Joshua pulls away bago pa siya muling ilagay ni Jeonghan sa kandungan niya.
“Nawiwili ka, hindi ka pa naamin sa’kin,” biro ni Joshua bago muling naupo sa tabi nito.
“It’s always been there,” saad ni Jeonghan pero akmang iiwan siya ni Joshua dahil sa inis. Natatawang pinigilan ito ni Jeonghan. “Teka lang, ‘di pa kasi tapos, baby.”
Joshua crosses his arms against his chest, waiting for him to continue. Nagnakaw ng halik si Jeonghan, tuwang tuwa sa kasungitan ng asawa.
“Ito na, seryoso na,” pamimula nito at umayos nang upo para humarap kay Joshua. “Hindi ko alam when exactly is it, but all through our married life, I never fake anything when it comes to you. I feel so happy taking care of you, na gusto ko makikita kang kumain, maayos ang lagay, masaya. Akala ko gano’n lang talaga kapag mag-asawa kayo kahit hindi ordinaryong kasal ang meron kayo, or dahil kasi kaibigan kita. Hindi ko siya gaanong inisip, but I know na ikaw ang naging una sa prayoridad ko sa lahat.
“Dahil nga akala ko normal lang ‘yon, at dahil puro din trabaho, hindi ko masyadong inisip. But ever since we got here, I hated the fact that I was too busy to understand what I’m feeling. Kung hindi ko isinawalang bahala, siguro noon pa lang minahal na kita sa paraang alam ko, sa paraang deserve mo.”
“I told you, you’ve been treating me with so much care already,” Joshua says, though hindi maitatanggi na unti-unting nilalamon ng saya ang puso niya dahil sa naririnig.
“No, I think I was treating you just enough, which was never what you deserved. You deserve so much more, you deserve a love that is not too busy. I failed to give you that,” Jeonghan softly explains.
“Jeonghan,” Joshua wants to tell him that’s not what he had felt. Kasi sa ilang buwan na kasal sila, hindi kailan man naramdaman ni Joshua ang pagkukulang na sinasabi ni Jeonghan. But he lets him speak.
“Naiinis akong isipin na it took me this long, and that some petty jealousy would have made me realize na I only want you with me, na I realized it because of my selfishness na ayoko palang dumating ang araw na maghiwalay tayo.
“Pero mali rin ‘yong isipin na ‘yon,” there’s a small apologetic smile that grazes his lips. “Wala na akong magagawa sa mga lumipas na panahon, pero may magagawa ako sa mga susunod pa.”
Jeonghan shifts closer, one hand cupping Joshua’s cheek.
“I’m sorry it took me so long, but this time, Joshua, I’d love you the way you should be loved. In every waking moment, I know that I’ll love better than yesterday,” Jeonghan says. “Just let me, baby. Let me make this married life worth it.”
Joshua leans his forehead against Jeonghan’s, feeling his heart so full he’s afraid it’ll burst.
“It already is,” Joshua whispers, arms pulling Jeonghan in an embrace.
The night stretches, but the two of them don't mind, already secured in each other’s arms.
—
Nagising si Joshua na wala si Jeonghan sa tabi niya, bagkus ay meron siyang katabing bouquet of daisies. He stares at it for a second, then a fit of laughter when he realizes what day it is today.
Naupo siya at kinuha ang bulaklak, nakangiting pinagmasdan ang maganda pagkakaayos.
“Para sa mahal ko.” basa ni Joshua sa maliit na papel na kasama no’n.
Lumabas ng kwarto si Joshua nang makapag-ayos at naabutan si Jeonghan na naghahanda ng lamesa na may mga pagkain. Tumingin ito nang mapansin si Joshua at nakasimangot na lumapit.
“Nagising agad, gigisingin pa lang kita eh,” saad nito at niyakap ang asawa bago humalik. “Balik ka roon.”
“Are you serious?” tawang tanong nito dahil bahagya na siyang tinutulak papasok sa kwarto.
“Opo, serious. Dali na, unang beses natin ‘tong ise-celebrate, kunwari umayon lahat sa plano ko,” sagot ni Jeonghan.
Kahit pareho silang natatawa sa ginagawa ay pumasok si Joshua pabalik sa kwarto, ibinalik ang bulaklak sa tabi niya at nahiga.
“Pikit, Shuji,” ani Jeonghan mula sa pintuan ng kwarto.
Napapailing na lang si Joshua at nagpanggap na tulog, huwag lang masira ang gustong Valemtine’s surprise ng asawa. Ngunit sa katunayan ay natutuwa rin naman si Joshua sa nangyayari.
Saglit lang ay lumapit na sa kan’ya si Jeonghan at naupo sa tabi niya. Dalawang beses itong humalik bago siya ginising.
“Good morning, baby,” bati ni Jeonghan sa kan’ya.
Ngumiti si Joshua at siya naman ang humalik, pero tulad ng inaasahan, kinuha ni Jeonghan ang pagkakataon na ‘yon para laliman ang halik.
“What, is this included in your plan, too?” Joshua asks when Jeonghan practically hovers above him, kissing him deep.
Jeonghan laughs then helps him to get up, giving him the bouquet of daisies. “Happy Valentine’s, my Joshua.”
Natatawa silang nagpanggap na para bang hindi nakita ni Joshua ang hinanda niya, pero gayunpaman ay totoong masaya si Joshua sa nakikita at sa lahat ng hinanda nito.
They spend the morning with a breakfast date, then a slow dance after they washed the dishes together. They cuddle for a few hours, wanting to just have the first hours with themselves. Matapos ay ‘saka sila nag-asikaso bago magtungo sa huling destinasyon nila—Porto Venere.
The two of them didn’t expect anything from the vacation their parents planned for their honeymoon, but it turns out to be everything that they could ever wish for.
But this time, Jeonghan and Joshua are determined to plan the next ones by themselves—another wedding included.
