Actions

Work Header

Yearnerism

Summary:

Pagkatapos ng isang Linggo, si Thomas ay agad na ginawang Class President. Wala namang nagulat, hindi naman siya puro mukha at... Katawan...

Siya'y masunurin. Mahinhin at maayos magsalita, ngunit alam niya rin kung paano ma-kontrol ang atensyon ng lahat para pakinggan siya. Matigas niyang dalhin ang kaniyang sarili, ang confidence na umaapelto sa iba niyang kaklase na gusto siyang gayahin at maging mabuti rin na estudyante.

"Ang galing mo talaga, no?"

"Hm? Ano yun ulit, Micro?"

โ€”

Or: O yan, pinakaunang filipinong kabaklaan para sa Thomspr. Obviously High School AU kasi lagi nandun nagsisimula ang pagkayearner nating lahat

Notes:

I was inspired by user @/damsirius1 on Twitter when they drew their Filo Thomspr AU and I was like "Pambansang yearners tayo, bakit hindi?" And then before I knew it, I was done writing this. Mga BADING. BADING BADING BADING!!!!! ๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”

(Hindi po ako writer, kaya kung may typo po wag niyo ng pansinin. Gusto ko lang makita mga lalaki maghalikan HAHAHAHA ๐Ÿ˜ญ)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Isang mahirap na araw na lumipas ulit pagkatapos ng pag-aaral. Pagpahinga malapit sa kamay ni Micro. Siya'y agad na tinapon ang sarili sa kaniyang kama. Ngunit, kahit na ang konsepto ng pagpapahinga ay nagpapasaya sa kaniya, meron parin siyang gustong maangkin. Na pwede niyang matawag na kaniya lamang.

Ang kaniyang kaklase na si Thomas.

Hindi naniniwala si Micro sa usaping "love at first sight". Ito'y piksyon lamang sa kaniya. Hindi kani-kanipaniwala. Sinong normal na tao ang agad na maiisipan na gusto niyang makasama sa buong buhay nila ang isang tao na bago niya lang makilala? Napaka bobo. Napaka tanga. Ang pagmamahal ang nagpapatanga sa mga tao ngayon.

Pero, nung makita niya si Thomas noong unang araw ng balik-aral... Ang puso niya'y tumibok (Talagang nangyayari 'yon? Hindi ba't sa mga kwento lang 'yon?). Nawala ang kaniyang boses (Nawala? Gago, anong nawala?). Ang mga mata niya ay nakatingin lamang kay Thomas. Bawat kilos, bawat galaw (Parang stalker naman. Umayos ka, Micro!).

"O, class. Meron kayong bagong kaklase na transferee. Maging mabait kayo sa kaniya. Tulungan niyo." Sinabi ng guro nila. "O, sha. Magpakilala ka na."

Bumulong siya ng maliit na "thank you" sa guro at tumayo ng maayos.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay si Thomas 5200. Tawagin niyo na lang po akong Thomas. Ikinagagalak ko kayong makilalang lahat." At siya'y nag-bow bilang pagtatapos sa kaniyang introduksyon.

Ang ngiti na ipinakita niya pagkatapos mag-bow ang mas tumama kay Micro.

Makatotoong ngiti. Hindi peke. Umaabot sa kaniyang mga mata. Ang mga freckles niya ay tumutulong na pagmukhain siya na parang anghel. Ang dimples niya sa gilid ay ebidensiya na ginawa siya ng diyos na perpektong perpekto at kay nais-nais sa mata ng mga tao.

Ang lalaking ito... Gusto niya. Gusto niyang makuha. Gusto niya maging kaniya. Gusto niya na walang kumapit sa kaniya maliban sa kaniyang. Gusto niyang angkinin siyang mag-isa.

Kay takaw niyang mag-isip. Alam niyang hindi niya siya'y bastang basta makukuha. Sa ganiyang kagwapuhan ni Thomas, obvious naman na meron siyang standards sa mga tao na gusto niya.

At si Micro, sobrang layo sa standard na iyon. Sobrang layo din sa karapatan na makilala si Thomas ng tuluyan.

Pagkatapos ng isang Linggo, si Thomas ay agad na ginawang Class President. Wala namang nagulat, hindi naman siya puro mukha at... Katawan...

Siya'y masunurin. Mahinhin at maayos magsalita, ngunit alam niya rin kung paano ma-kontrol ang atensyon ng lahat para pakinggan siya. Matigas niyang dalhin ang kaniyang sarili, ang confidence na umaapekto sa iba niyang kaklase na gusto siyang gayahin at maging mabuti rin na estudyante.

"Ang galing mo talaga, no?"

"Hm? Ano yun ulit, Micro?"

Naalis si Micro sa kaniyang isipan nang narinig niya ang boses ni Thomas (Ang sarap pakinggan sabihin ni Thomas ang kaniyang pangalan...). Siya'y napatingin kay Thomas, naghihintay ng sagot kay Micro, nang agad niyang napagtanto na bigla-bigla niyang na nailabas ang kaniyang iniisip kanina sa harapan ni Thomas...

Habang nagstu-study...

"A-ah, ano eh, ah... Wala lang!" Tumaas ang boses ni Micro sa dulo. "Ang ano... Galing mo. I mean, ang tali-talino mo. Hinahanga ka rin ng lahat... Hinahanga rin kita..."

Lumaki ang mga mata ni Thomas nung narinig niya iyon at si Micro, agad nag-panic.

"La-lahat naman kami iniisip magaling ka at hinahanga ka! Sino namang hindi I mean, tingnan mo sarili mo. Ang gwapo mo, ang ganda ng boses mo, macho pa, ang dami mga babae hinahabol ka, very active din sa klaseโ€”"

Ang pagramble ni Micro ay biglang napigil nang marinig niya ang tawa ni Thomas.
Na-starstruck siya sa oras na iyon. Narinig niya ang tawa ni Thomas... Hindi naman siya laging tumatawa...

Napatawa niya si Thomas...

"Hay, ano ba Micro. Okay lang. Hindi mo naman kailangan mag-explain. Pero sige, para patas tayo..." Mas lumapit siya at bumulong sa tenga ni Micro,

"Ang galing-galing mo rin. Masaya ako na ikaw ang naging study partner ko."

Humiwalay siya at ngumiti lamang kay Micro, at agad na bumalik sa pagti-take down ng mga notes para sa susunod nilang quiz. Na para bang walang nangyari.

Pero para kay Micro? Sumasabog siya sa loob. Napahiya niya sarili niya sa harapan ng kaniyang crush, tapos napatawa niya rin yung crush niya, magaling din daw siya ani ng kaniyang crush, at masaya ang kaniyang crush na kasama niya siya?!

'๐˜‰๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜“๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ? ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ, ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข '๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฆ๐˜ฉ!!! ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ!!!'

"Ako din! Mhm, ako din! Verryyy happy ako kasama ka rin!" Unang syllable palang, wala na. Mataas agad boses ni Micro. Buti nalang wala yung iba nilang classmates, ayaw niyang masira ang "non-chalant" niyang image sa iba.

"Hehe, cute mo rin no? O sha, ito yung iba pang notes. Try mong intindihin at tapos kung may mga problema ka, tawagin mo lang ako."

...

Huh?

Cute?

'๐˜›๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช, ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ?!? ๐˜Š๐˜ถ๐˜ต๐˜ฆ?!? ๐˜๐˜ถ๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฉ๐˜ฉ๐˜ฉ?!?'

"Oo, s-sige! Babaaasahin ko na itong mga noootes mo! Para maintindihan ko rin para sa uhhh quiz natin!!! Yep!!!" Mabilis niyang kinuha sa mga kamay ni Thomas ang notes. Agad niyang pinagsisihan yung ginawa niya. Buti na lang, walang sinabi si Thomas.

Pero, agad na naman siyang napa-overthink.

'๐˜—๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ญ๐˜ข-๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข? ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฅ!!! ๐˜– ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ง๐˜ถ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข? ๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ!!! ๐˜๐˜ข๐˜ญ๐˜ข. ๐˜›๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ข. ๐˜—๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ... ๐˜•๐˜ข๐˜ช๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ?!?! ๐˜—๐˜œ๐˜›๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜ˆ๐˜ˆ๐˜ˆ๐˜ˆ๐˜ˆ๐˜ˆ๐˜ˆ๐˜ˆ!!!'

Napansin ni Thomas sa mukha ni Micro na siya'y hindi masyadong maayos. Na parang may masakit. Siya'y nag-alala. Nahihirapan ba si Micro sa mga notes? Kaniyang hinawakan ang balikat ni Micro para siya'y tawagin.

"Micro? Okay ka lang? You look out of it right now. May masakit ba sayo o nahihirapan ka sa mga notes ko?"

Si Micro ay biglang humarap kay Thomas, obvious na nahihiya na napansin ni Thomas na mukha siyang nahihirapan (Hindi sa mga notes. Gets niya naman. Ayaw niya lang na malaman ni Thomas na meron siyang crush sa kaniya.)

"Ah ano kasi eh... Wala lang. May mga... Iniisip lang ako. Personal. Yeah. Personal na mga bagay lang. Pero okay lang ako, gets ko naman mga notes mo!" Siya'y ngumiti para ipakita kay Thomas na maayos lang siya.

Hindi nawala ang pag-aalala sa mga mata ni Thomas.

"Hm... Well. Marami din naman tayo na-study ngayong araw eh. Malapit na rin namang mag-gabi. Gusto mo, hatid kita pauwi?" At si Thomas, nag-wink sa kaniya.

'๐˜•๐˜ˆ๐˜Ž-๐˜ž๐˜๐˜•๐˜’ ๐˜š๐˜๐˜ ๐˜ˆ ๐˜š๐˜ˆ ๐˜ˆ๐˜’๐˜๐˜• ๐˜–๐˜ ๐˜”๐˜  ๐˜Ž๐˜–๐˜‹?!?!'

"Ay ano uhhh okay lang!!! Kaya ko namang umuwi mag-isa, malapit-lapit naman yung bahay ko sa inyo eh! Kaya ko lang maglakad mag-isa!"

"Edi paano kung gusto kita makasama maglakad pauwi sa inyo? Kung malapit kalang naman, edi good! Pwede kitang puntahan araw-araw papunta sa school. Gusto kita kasama, no." Nag-pout si Thomas.

'Putangina ang cute ng pout niya!!! Gusto kong i-poke!!!'

Si Micro ay tumatanggi parin. "Kahit na!!! Ayaw kong ma-inconvenience kita! Baka may kailangan pang gawin dito sa bahay niyo, ayaw ko namang pigilan ka kung meron nga!"

Oo nga pala no. Nasa bahay ni Thomas ngayon si Micro. Inimbita siya ni Thomas para mag-study. Dapat siguro, nakita niya na agad na hindi niya masu-survive na makasama si Thomas ng buong araw.

"At paano kung mas gusto ko na hatirin ka sa bahay mo? Matatanggi mo ba ako, Micro?"

Isang tanong na tumigil sa takbo ng araw ni Micro. Nang marinig niya ang sinabi ni Thomas, eh para bang tumigil ang buong mundo.

Feel niya, dito nakasalalay ang kaniyang buong buhay sa tanong na ito.

"A...ano..."

"Hmmm...?~"

Lumapit si Thomas kay Micro, magkasama na ngayon ang kanilang mga balikat, na may suot na makiling ngiti sa mukha niya. Na para bang siya'y inaasar.

"Agh... Hindi... Hindi kita matatanggi, Thomas..."

Ang maputing mukha ni Micro ay mukha ng parang isang tomato ngayon sa kaniyang pagkapula pagkatapos niya masabi iyon. Lalo na kaharap niya pa si Thomas.

Ngunit ang sinabi ni Thomas ang naging huli niyang sampak sa puso na siya'y agad na mamatay.

"Hehe. Ako din, Micro. Hinding hindi kita matatanggi. Kahit ano pang gusto mong gawin, gusto ko na lagi mo akong tawagin, ha? Para naman magkasama tayo lagi."

Pagkatapos sabihin iyon ni Thomas, ang mga susunod na pangyayari ay naging malabo sa kaniya. Walang maalala, basta't alam niya lang na sabay na maglakad silang dalawa ni Thomas para hatirin pauwi...

...Habang hawak-hawak niya ang kaniyang kamay.

"Uh. Dito na yung bahay ko..."

Sila'y agad na tumigil sa harap ng isang bahay. Hindi masyadong magara, hindi rin masyadong magulo. Normal na bahay lamang, kung saan meron siyang bubong para sa kaniyang ulo.

"Huh. Talagang malapit ka lang sa amin."

"Diba nga, isang kanto lang kami."

"Ibig-sabihin, pwede kitang bisitahin lagi lagi kung gusto ko."

"Wag ka."

Sila'y sabay na tumawa at nahulog sa komportableng katahimikan. Talagang magkaibigan na sila, huh? Ito'y ayaw niyang mawala sa kaniyang kamay. Talagang kaibigan niya na si Thomas...

"Uh, Micro? Kamay ko beh?"

"Huh?"

Napatingin sa baba si Micro at yun nga, hawak niya parin ang kamay ni Thomas. Agad niyang inalis ito sa mga kamay ni Thomas.

"Ay uh-! Sorry! Ano uh, see you tomorrow ulit?"

Tumawa ulit si Thomas. "Lagi naman eh. Classmates tayo."

"Hindi yun ibig-sabihin ko. Ano kasi..."

Ang kaniyang mga kamay ay kumukulit ulit, pinaglalaruan ang mga tali sa kaniyang hoodie.

Gusto niya maging makasarili.

"...Pwede ba tayong maglakad papunta ng school bukas? Tayong dalawa?"

Agad na nahiya si Micro sa gulat na expression ni Thomas.

"I meanโ€”kung gusto mo lang naman! Ayoko namang pilitan kang samahan ako papunta sa school palagi! Actually, bakit naman tayo magsasama papunta ng school? Late akong magising tapos palagi naman akong late papunta sa schoolโ€”"

"Edi hindi kita ipapalate."

"Huh?"

Lumapit na naman ulit si Thomas sa kaniya at hinawakan na naman ulit ang kaniyang mga kamay (Ilang beses na ba siyang lumapit? Baka mamatay na si Micro dahil dito. Close contact, katakot!!!).

"Gusto kong makasama ka papunta ng school araw-araw, Micro. Yung sinabi ko sa bahay ko kanina, totoo. Gusto kitang kasama ka, Micro. Ihahatid and susundoin kita sa kung anong lugar ka pa man mapunta. Basta't alam ko lang na ligtas ka."

Ang ganda ng sunset no? Yung araw na tumatama ngayon sa katawan at mukha ni Thomas ay mas lalo pang nagpapaganda sa kaniya. Perfect talaga ang kompleksiyon niya sa araw.

Makasarili ang naging request ni Micro kanina. Makasama pumunta ng paaralan araw-araw? Yung class pres nila? Sa panaginip niya lang iyon.

Pero si Thomas... Ihatid and sunduin sa kung ano mang lugar... Talaga ba?

Gusto ni Micro maging makasarili ulit.

"Talaga ba, Thomas? Na kung nasaan man akong lugar, hahatirin at susunduin mo ako?"

"Oo, Micro. Lagi lagi, araw araw, kung saan ka pa."

At sa isang iglap, ang kaniyang labi ay nasa labi na rin ni Thomas. Ang kanilang halik ay komportable. Na para bang ang labi niya ay dapat nasa labi lamang ni Thomas at ang labi ni Thomas lagi dapat na sa kaniya. Iniligay ni Micro ang kaniyang mga kamay sa likod ng leeg ni Thomas. Ang mga kamay ni Thomas na kanina ay nasa mukha ni Micro nang sinimulan ang halik, ay agad na bumaba papunta sa likuran ni Micro. Ang lakas ng kaniyang hawak sa katawan ni Micro, at si Micro naman ay nanatiling nakahawak parin sa likod ng leeg ni Thomas na parang siya ang kaniyang sabitan para hindi siya mahulog sa kaniyang kamatayan.

Silang dalawa ay nasa kamay ng kanilang minamahal, inaalagaan habang naghahalikan.

Sila'y humiwalay sa isa't isa para makahinga ulit. Wala silang sinabi. Sila'y nagtinginan lamang sa kanilang mga mata bago agad agad na pinaghalik-halikan ni Thomas si Micro sa mukha.

"T-Thomas!"

Pagkatapos niya siyang paghalik-halikan, hinulog niya ang kaniyang katawan sa katawan ni Micro at niyakap siya ng mahigpit.

"Alam mo ba Micro, gabi gabi kong pinapanaginipan kung paano kita hahalikan. Kung saang lugar, kung anong oras, kung kailan. Lagi. Araw-araw. Gabi gabi. Ang labi mo at ikaw ang ninanais kong maging akin lamang at hindi sa iba. At ngayong nagawa ko na iyon... Ang saya ko. Sobrang saya ko. Ngayon lang ako naging sobrang saya sa buong buhay ko, maliban lamang noong una kita makita sa klase natin noong unang araw."

Nang marinig ito ni Micro, siya naman ang mas naging mahigpit sa yakapan nila.

"Well, alam mo ba rin Thomas, gabi gabi kong pinapanaginipan na ako'y iyong laging yinayakap. Yinayakap ng lahat meron ako. Hinahawakan at minamahal ang bawat parte ko. Ang mga maganda mong mata, inoobserbahan lahat ng detalye sa aking katawan. Pinapanood bawat kilos ko at gaano ako kaperpekto sa iyong mga mata. Hinahalikan bawat lugar ng aking katawan. Nagkokomento sa bawat parte ko at gaano ito kay ganda ganda. Ginagawa mo ako bilang teritoryo mo. Ako sayo lamang, at wala nang iba."

Ang paglabas ni Micro ng malalim na hininga ang nagparealize sa kaniya na kanina niya pa kinikimkim ang kaniyang hininga.

Hinalikan ni Thomas ang likod ng leeg ni Micro, at si Micro ay napatawa.

"At maniwala ka sa akin, Micro, matagal na kitang tinitingnan. Ina-appreciate. Parang isang painting. Matagal na kitang gusto gawin akin ngunit inakala ko na baka ako'y malayo para maging type mo..."

"Seryoso ka ba? Ako nga, inisip ko na hindi mo ako type." Tumingin si Micro ulit sa sunset na nangyayari ngayon. "Hah... Bobo tayo no?"

May maliit na tawang lumabas sa bibig ni Thomas. "Siguro, pero atleast magkasama tayong bobo."

"Hay nako."

Pinagpatuloy nila ang kanilang yakapan sa labas. Gusto nilang ikompirma na talagang kasintahan na nila ang isa't isa. Nang humiwalay na sila sa kanilang yakap, agad namang hinatak ni Thomas si Micro ulit para sa isa pang halik.

Talaga ngang kasinta niya na si Micro.

"Sarap ng labi mo, di ko talaga kayang mapigilan sarili ko." Si Thomas ay pumunta muli sa labi ni Micro para sa isa na namang halik.

"Wag kang basta basta, mahaba pa buhay natin. Promise ko sayo, marami pa akong mga halik na maibibigay sa iyo."

"Promise?"

"Promise."

Notes:

This is totally not me yearning for a non-existent guy that only exists inside my head. Mhm. Nope โค๏ธ