Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandoms:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 3 of Highschool Sage & Pietro
Stats:
Published:
2023-06-10
Words:
1,459
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
4
Hits:
131

Date

Summary:

“Tsaka, magdedate na rin kami sa centro” dagdag ko na may hiya sa boses.

“Payagan mo na Ma, may date pala sila e” singit ni Kuya Laurel na nakikinig pala samin.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Malamig ang buga ng aircon dito sa loob ng van nila Pietro. May pinapabili sakin sila Mama sa centro kaya sinamahan na niya ako patungo doon.

Nung sinabi ko yun kay Mama ay nahiya siya at maabala pa daw si Pietro.

“Ok lang naman po kay Pietro, Ma. Siya pa nga nag-offer” kumbinsi ko kay Mama

“At gagamitin ang van ng mga Saldivar? Naku, magbibigay ako ng pera pampagas.” giit ni Mama”

“Ma sinabi ko na rin po kay Pietro yan. Ok lang talaga sa kanya kung gamitin yung van nila” balik ko sa kanya. Dahil bago pa ako magpaalam kay Mama ay napag usapan at nakumbinsi na rin naman ako ni Pietro tungkol sa bagay na ito.

“Tsaka, magdedate na rin kami sa centro” dagdag ko na may hiya sa boses.

“Payagan mo na Ma, may date pala sila e” singit ni Kuya Laurel na nakikinig pala samin.

“Sya sya. Mag iingat kayo doon. At walang magaganap na kung anong kababalaghan ha Sage” sabi ni Mama na pinandidilatan na ako ng mata

“Si mama talaga” tawa ko sa sagot sa akin ni mama

Tuloy lang ang pag usad ng van sa daan.

Nilalamig ako dahil sa nakatutok na aircon samin.

Tiningnan ko ang katabi ko ngayon. Nakapoloshirt siya na light blue at naka khaki pants at puting sapatos. Tiningnan ko naman ang kanyang mukha. Ang kanyang makapal na salamin, mga pilikmata nyang mahaba at ang kanyang mga labi.

Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Dati ang pangit pangit niya sakin pero ngayon gwapong gwapo naman ako sa kanya. Ginayuma yata ako neto e.

Napakagat ako ng labi sa mga naiisip para hindi ako tumawa nang tuluyan.

Napansin yata ni Pietro na nakatitig ako sa kanya kaya nilingon niya ako.

“Bakit?” inosente niyang tanong

“Ah, nilalamig kasi ako” dahilan ko na lang.

Pagkasabi ko nun ay nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking likuran upang yakapin at ilapit ako sa kanyang katawan.

I smirked and then said to him “Tsansing ka”

“Should we adjust the temperature?” ngisi naman niya pabalik pero hindi pa rin binabawi ang kamay.

“Okay na ito. Body heat” tawa ko at niyakap din siya pabalik.

We really are some teenagers stupidly in love with each other not minding the others eyes.
Nasanay na rin kasi ako na nandyan ang driver at bodyguards ni Pietro na laging nandyan lang malapit sa kanya.

Hindi ko rin aakalain na magiging showy kami sa relasyon namin.

Gaya ngayon, magkahawak kamay kaming naglalakad sa loob ng mall.

Nabili ko na yung inuutos sakin ni Mama at nagdedate na kami ngayon ni Pietro.

Napadaan kami sa events place dito sa mall at meron pala silang taekwondo show dito sa loob.

Hinila ko si Pietro para mapanood namin. Kasalukuyang tinuturuan ng coach nila yung mga bata edad 7 pababa.

"Ang cucute nila" sabi ko sa mga batang nakasuot ng uniform na pang taekwondo

Busy kaming manood sa mga nagtetaekwondo ng may tumawag sakin.

"Fernando?" galing sa gitna ang tumawag.

Sabay kaming lumingon ni Pietro sa pinanggalingan ng boses at tumambad samin ang lalaking naka uniform din ng taekwondo.

Mabilis siyang pumunta samin at nagpakilala.

"You probably didn't know me. Pero nakalaban na namin ng team mo ang team niyo? Interhigh. From V High School. I'm Jace Perez by the way" Sabay lahad niya ng kamay.

Tiningnan ko yung kamay at nakipag kamay rin.

"Sage Fernando" ikli kong sabi. Sa gilid ng mata ko ay nakita si Pietro na nakatingin sa kamay naming magkalapat. Binitiwan ko rin agad at nagsalita sa bagong kausap

"V High School. Ah oo, natatandaan ko na. Last year na competition" Yung match at yung kalaban ko ang natatandaan ko pero siya hindi.

"Yes. I was there too. In the men's division."

"Ahhh" nasabi ko na lang

"I'm a fan actually" sabay kamot nya sa batok. "Napakagaling mo kasi"

"Thank you" sabi ko na lang

"I'm actually one of the assistant instructors here. We're teaching other kids. It's fun" bahagi nung lalaki. Ang daldal nya ah.

Tumango na lang ako.

"Um so, I was wondering if you're available later? Coffee or tea? My treat." Segway nya sakin. Bro, ang bilis mo naman.

Bago ko pa sagutin iyon ay tumikhim si Pietro ng malakas. Napatingin din yung lalaki at nagulat pa na may katabi pa pala akong iba.

"I'm Pietro, Sage's boyfriend" pakilala niya nung nakuha na niya ng pansin ng lalaki

Tiningnan niya si Pietro at parang minamaliit nya ito sa tingin. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita.

"Uhhh may boyfriend ka na pala. Hindi kasi halata e" sabi niya sabay tawa ng hilaw. Etong katabi ko naman ay tinititigan na talaga sya ng masama at parang makakapanakit na ito sa tingin.

Mayabang rin ang isang ito ah.

"Yes, I have a boyfriend" sabi ko na lang.

"Well, the offer still stands. Coffee or tea." Bastos pala ito ah, ang sarap sapakin neto pero nagtimpi lang ako.

Tiningnan ko si Pietro at hinawakan ang kamay nya na nakakuyom na. Delikado to. Galit na si bansot.

"We're busy. Aalis na kami" yun lang ang sinabi ko kasi baka may masasamang salita pa ang masabi ko. At para na rin hindi makagawa ng krimen si Pietro dun sa lalaki.

The guy smirked.

The nerve of him.

"See you Sage.. Pietro"

"Saldivar"

"Huh"

"Pietro Saldivar"

"Uhh Saldivar?" Parang namutla naman ang lalaki nung narinig nya ang apelyido ni Pietro.

Pietro then smirked at hinila na ako tuluyan. Gusto ko pa sana makita yung reaksyon nung lalaki pero mabilis nya akong iginaya sa ibang lugar.

"The nerve of that boy" Naririnig ko si Pietro habang hila pa rin ako.

Ngayon ay nasa loob na kami ng restaurant at naghihintay na lang kami ng order pero si Pietro nakabusangot pa rin ang mukha.

“Tigilan mo na ang kakaisip dun sa lalaki. Parang gusto mo pa yatang makipag away. Sa totoo lang Pietro, kung hamunin mo siya ng suntukan ngayon, matatalo ka.” sabi ko sa kanya. Bumaling tuloy ang inis na mga mata niya sakin.

“I can fight, Sage” diin niyang sagot.

Wow ha.

“Tsk. Anong you can fight? Tigilan mo na yan. Masasaktan ka lang talaga. Tsaka, hindi ko na nga tanda yung pangalan nung tao.” sabi ko dahil totoo naman, nakalimutan ko na kung sino ba yun.

“Well, I remember his name and his face. And if I see him lurking near you, may kalalagyan siya.” sabi ni Pietro sabay hawak ng kamay kong nakapatong sa lamesa.

Hinawakan ko rin ang kamay niya at tumawa sa sinabi.

“Ok. ok.”

“Yun yung mga tipo mo. Sporty guys like that Jerson”

“Anong tipo ko? Yun? At napasok na naman si Jerson” sabi ko dahil napag usapan na rin namin ito noong bago pa lang kami.

“Pietro..” sabi ko nang tumayo ako at lumipat sa tabi niya.

“Hindi ko sila type, ok? At hindi ko naman talaga gusto si Jerson. Like I always said, he’s just a friend. Nothing more” sabi ko sa kanya. Nakatitig lang sakin si Pietro pero mahigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sakin.

“I’m sorry, Sage. Nainsecure lang ako. But I’ll do better” sabay halik sa kamay.

“Don’t be insecure, Pietro. Ikaw kaya ang type ko” I smirked at him because it's true. Pag nalaman niya yung iniisip ko kanina sa van, tiyak aasarin niya ako.
Tumawa siya at tuluyan nang gumaan ang itsura. Sakto at lumapit na ang waiter at nilapag ang pagkain namin.

“Let’s eat” sabi niya at doon na rin ako sa tabi niya kumain.

Tinuloy naman namin ang date namin at wala namang ibang gusot na nangyari. Ngayon ay nasa tapat na kami ng bahay at hinahatid na ako ni Pietro sa gate namin.

“Thanks for today” sabi niya at binibigay na niya sakin ang mga pinamili ko kanina.

“Thank you, too” sabi ko sabay mabilis kong halik sa pisngi niya.

Bilang sukli sa ginawa ko, tumingkayad siya ng kaonti, hinawakan ang mukha ko at hinalikan sa labi.

Mabilis lang yon pero nagulat ako.

“Pietro! Makita tayo nila mama” saway ko at alam kong namumula na ang aking mukha. Hindi pa rin nasasanay sa mga dalang paru-paro kapag hinahalikan niya ako.

He smirked and I blushed furiously.

“Bye. I’ll call you once I get home” sabi niya sa kabila ng matagumpay niyang ngiti. Humahakbang na sya ng patalikod sakin.

“Bye. Ingat ka.” kaway ko at tinitigan ko siyang pumasok sa van nila.

Binaba niya pa ang salamin at kumaway pa siya sakin.

I waved back at him. Pumasok na ako sa loob dahil alam kong hindi siya aalis ng hindi ako pumapasok sa pinto namin. Narinig kong umalis na ang van nila ng nakapasok na ako sa loob.

I then heard my phone beep.

My Pietro

I love you.

I reply back.

I love you, too.

Notes:

-Not affiliated to Jonaxx & Jonaxx Stories

made up lang yung lugar. sorry if ooc

This work is retweetable here

Series this work belongs to: