Chapter Text
Isang hapon sa AS, bago pa tuluyang naging mabigat ang Pebrero, nakaupo si Haechan sa bench na may hawak na iced matcha na matagal nang tunaw ang yelo. Katabi niya si Gel, naka-cross legs, hawak ang tablet, kunwaring nagba-backread sa Psych 101 reading niya pero halatang wala siyang binabasa.
“Uy,” sabi ni Gel bigla, hindi tumitingin. “Parang close kayo ni Mark ‘no?”
Napatawa si Haechan, reflex. “Over naman, saks lang.”
“Talaga?” Gel finally looked at him, isang kilay lang ang tinaas. “Kasi pangatlong beses na kitang nakitang may inumin na galing sa hindi mo naman afford na coffee shop.”
“Libre ‘yon, bobo! Alis ka nga burgis,” mabilis na tumawa si Haechan. “Kumbaga president privilege.”
Gel snorted. “Tangina, ginagatasan mo pa talaga ‘yan siya ah.”
“Talaga,” sagot ni Haechan, sabay higop sa straw kahit wala nang laman. “Inggit ka lang eh. Partida JFEC at SUP ka na, ‘la ka pa ring libre sa lagay na yan.”
“Namo,” sabi ni Gel, dry. “Curious lang kasi.”
Naging tahimik sila sandali, tipong yapak lang ng mga taong naglalakad sa harapan nila ang naririnig. May dumaan na mga estudyante, may tumatawa, may nagmamadali, at may nagre-review sa gilid. Ordinaryong akademikong hapon pero ramdam ni Gel na may nais siyang linya na sabihin ngunit hindi niya ito maituloy.
“So,” Gel continued, casual pa rin ang tono, “friends lang talaga?”
“Oo naman,” sagot ni Haechan agad. Masyadong mabilis. “Friends lang. Ano ba.”
Gel hummed, sounding unconvinced but not straightforward either. “Okay. Kasi kung hindi, mukhang deliks ka.”
Napatingin si Haechan. “Ha? Anmeron?”
“Alam mo naman dibang straight siya,” Gel said simply. “At mukhang seryoso rin siya kay Erin.”
Haechan laughed, a little forced. “Eh ano naman? ‘Di ko naman siya nililigawan.”
Gel finally closed her tablet and turned to him fully. “Hindi ko sinabi na nililigawan mo.”
Something hit him. “Gel,” Haechan sighed, staring ahead. “Pwede ba, wag mo na ‘yan pagpilitan. Wala namang issue.”
“Wala?” Gel tilted her head. “Eh bakit parang defensive ka?”
“Hindi ako defensive,” Haechan replied too fast. “I’m just—tired.”
“Ah,” Gel said softly. “Pagod.”
Another pause, quite longer this time. “Okay,” Gel said after a while, with a light tone again, “hypothetical lang ha. Kunwari lang.”
Haechan groaned. “‘Yoko ng hypotheticals.”
“Kunwari lang,” Gel insisted. “What if… may kaibigan ka. Tapos lagi kayong magkasama. Tapos siya, mabait, maalaga, present. Pero straight siya. Ano gagawin mo?”
“Wala,” Haechan answered immediately. “You do nothing.”
Gel nodded. “Okay tama.”
Haechan let out a breath, relieved.
“But,” Gel added quietly, “doing nothing doesn’t mean you don’t feel anything.”
Tumahimik si Haechan. Hindi siya tumingin kay Gel, ni hindi rin siya gumalaw. Parang biglang naging masyadong tahimik ang lobby ng Palma Hall.
“Gel,” sabi niya sa huli, pilit na pabiro, “kung aaminin ko man na may nararamdaman akong iba sa kaniya, sasabihin mo bang tanga ako?”
Gel smiled sadly. “Hindi. Kasi tao ka.”
Haechan laughed once, sharp. “Pero sabi mo nga, hindi pwede.”
“Huh, bakit?” Gel asked gently.
“Because, as we know, he’s straight,” Haechan replied. “Also… Erin. Alam mo na ‘yun, and I know I was never an option.”
Gel didn’t interrupt.
“Tsaka,” dagdag ni Haechan, mas mababa na ang boses, “ayoko na siyang guluhin. Ayoko gawing awkward ‘yung dynamic. Ayoko siyang gawing… responsible sa nararamdaman ko.”
Tahimik ulit.
“Is that all?” Gel asked.
Haechan hesitated.
“No,” he admitted quietly.
Gel waited.
Haechan’s fingers tightened around the cup. “Ayoko ring aminin kasi once na sinabi ko, hindi ko na pwedeng i-take back ‘yun. At kung mawala siya sa buhay ko dahil doon… hindi ko yata kakayanin.”
Gel swallowed.
“So you’re choosing silence,” she said.
Haechan nodded. “Sa ngayon. And probably avoid him in the future.”
Gel exhaled, long and careful. “That’s admirable.”
Haechan laughed weakly. “Hindi ‘no! Duwag lang gagawa non.”
“Hindi lahat ng duwag masama,” Gel replied.
Haechan finally looked at her. His eyes were tired.
“Please,” he said softly. “Wag mo ‘to sasabihin kahit kanino.”
Gel met his gaze, serious now. “Of course,”
“Ever?” Haechan added.
Gel giggled. “Jusko naman? Unless ikaw ang mauna.”
Haechan smiled, grateful, but the smile didn’t reach his eyes. They sat there a bit longer, not talking. Just listening to the campus breathe.
At bago tumayo si Gel, she said one last thing, almost joking, almost not: “Alam mo,” she said, “kung masasaktan ka man… hindi dahil tanga ka. Kundi dahil nagmahal ka nang tahimik.”
Haechan scoffed. “Drama mo.”
Gel grinned. “Ikaw kasi!”
Pero habang naglalakad palayo si Gel, alam nilang pareho na ‘yung mga birong iniwan nila ay tipong facade lang sa Ingles. And beneath it, there is a story slowly gasping for air.
Sa mga sumunod na linggo, mas madalang na ang messages ni Mark. Hindi dahil iniwasan siya, kundi dahil may inuuna na.
At si Haechan, dahan-dahan na ring umaatras. Mas maraming “busy lang.” Hindi dahil galit siya, kundi dahil alam niyang kailangan.
Napansin ‘yon ni Mark.
“Did I do something wrong?” Tanong niya nang naglalakad sila isang beses sa UPTC para bumili ng materials para sa org.
“Wala,” sagot ni Haechan. “I’m just… figuring things out.”
“Then don’t disappear,” pakiusap ni Mark.
Tumawa si Haechan. “OA, ‘di naman ako nawala.”
Pero sa loob-loob niya, alam niyang unti-unti na siyang kumakawala.
A few days before the 29th, they met again in the library. It felt like before, but it wasn’t the same. Quiet, but not awkward. Like two people who knew something they couldn’t say.
“Thanks,” sabi ni Mark bigla. “For everything.”
Tumango si Haechan. “Naman.”
They held each other’s gaze for a long time. No words were spoken, but something lingered, a question, a pang of regret, a “what if” that neither was ready to resolve.
Then came the date. It was the 29th of February, leap day, isang araw na parang paalala na may mga bagay na hindi palaging bumabalik.
Haechan woke up earlier than usual not because he had class, but because he hadn’t slept well. It was as if his mind had stayed awake all night, replaying over and over the moments he had tried so hard to bury.
Naglinis siya ng kwarto, naglaba at nag-ayos ng damit, nagplantsa kahit hindi naman niya ginagawa ‘yon nang madalas. Para lang may mapagkaabalahan. Para lang may maramdaman siyang sense of control.
Bandang alas-kwatro ng hapon, tinignan niya ulit ang GC.
See you later tonight! Roppongi 128, 9pm! Feb 29 🎉
Some people reacted on the message, Kali sent a GIFs sa chat, may ibang nag-aaya ng pre-game sa Lan Kwai. Si Haechan, tahimik lang. Ni hindi nag-heart react. Isip-isip niya, parang pag nag-react siya, aaminin niyang excited siyang pumunta—kahit hindi naman excitement ang nararamdaman niya.
Nag-message si Wax.
Wax: tuloy ka?
Haechan: oo
Wax: tangina sure ba, tatamad aq
Haechan: onga. ra na.
Matagal siyang nakatayo sa harap ng aparador, nakasandal ang noo sa malamig na salamin, parang doon lang niya kayang ipahinga ang bigat sa ulo niya. Binuksan niya ang cabinet, isinara, at binuksan ulit—parang may inaasahang kusang lalabas na tamang desisyon sa pagitan ng mga damit.
Black shirt? Too serious
Puting polo? Too pure
Something loose? Parang nag-aamok.
In the end, he chose the simplest option. The comfortable one. The clothes that didn’t ask questions, explain, nor expect anything.
He dressed slowly, carefully, as if every movement carried a measure of self-preservation. In the mirror, he looked at his face—not broken, but not whole either. Shadows lingered under his eyes, exhaustion that wouldn’t disappear no matter how many times you told yourself, “It’s okay.”
“Okay lang,” bulong niya sa sarili, parang practice.
Hinila niya pababa ang manggas, inayos ang buhok, at tumigil sandali. Nakatitig siya sa sarili niya sa salamin at sinabi, ‘Tangina, gawin na nga natin ‘to!’
Bago siya lumabas, napaupo siya saglit sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang handbag niya. Pumasok na naman sa isip niya ‘Kung pwede lang i-skip ‘tong araw na ‘to talaga. Fuck it!’
Pagdating niya sa Katipunan, mas maingay na kaysa sa inaasahan niya. Pulang ilaw ang tumambad sa kaniya at mga taong nagsisimula maging amoy alak. May photobooth sa gilid, may table na puno ng pulutan at plastic cups. Amoy perfume na halo sa alak at hair spray sa buong venue. ‘Yung iba, nagsisimula na rin makaramdam ng init sa kasasayaw sa gitna.
Nag-ayos siya nang slight sa salamin ng phone, konting lip gloss para kung may momomol sa kaniya eh handa siya.
“At last!” sigaw ni Kali nang makita siya, halos yakapin siya. “Kala namin hindi ka na pupunta!”
Ngumiti si Haechan. “‘Lam mo naman, traffic.”
Yun lang palagi niyang dahilan. Parang lahat ng pag-iwas niya, pwedeng ipaliwanag ng traffic.
At doon niya nakita si Mark.
Hindi siya agad nakatingin. Napansin niya muna ‘yung puting polo, ‘yung manggas na nakataas, ‘yung pamilyar na tindig na parang may sariling spotlight kahit walang spotlight. At nakita niya rin si Erin sa kaniyang tabi. Nakangiti si Erin, nakahawak sa braso niya.
Humigpit na naman ang dibdib ni Haechan.
Mark didn’t approach him right away because he was busy, surrounded, and happy—and that was what hurt the most. Mark hadn’t done anything wrong, hadn’t made a mistake. Heck, he was the president Haechan often forgot; it was only natural for him to talk to a lot of people. It was Haechan alone who carried a hidden, misplaced hope.
Lumapit siya sa isang lamesa, kumuha ng inumin kahit hindi niya gusto. Uminom siya kahit mapait.
“Nandito ka na pala,” sabi ni Wax na biglang sumulpot sa tabi niya. “K ka lang?”
“Naman,” sagot ni Haechan, kahit halatang hindi. “Sa’n ka?”
“Dito lang. Bantayan kita,” sabi ni Wax, half-joke, half-totoo.
“‘Yoko ng babysitter.”
“‘Di wag kang asal bata jan,” sagot ni Wax, sabay tawa. Pero kita rin sa mata ni Wax na nag-aalala.
Lumipas ang ilang minuto. May nag-aya ng shot. Tumanggi si Haechan. May nag-aya sumayaw. Umiling siya.
Sinubukan niyang umikot sa venue, para hindi lang siya nakatayo na parang estatwa. Para hindi siya nakatitig sa isang lugar kung nasaan si Mark.
Doon niya napansin ‘yung guy na nakatayo sa may photobooth area. Matangkad, naka-itim na polo. Isip-isip niya, ‘Mukhang bagong sali? O baka ibang committee sa org? O baka plus-one ng kung sino.’
At nang magtagpo ang mata nila, ngumiti ‘yung lalaki.
“Hi,” sabi nito, lumapit nang bahagya. “You’re Haechan, right?”
Napakurap si Haechan. “Uh… yeah.”
“Enzo. You can call me Zo” sabi ng lalaki, inabot ang kamay. “Friend ni Rex. Actually, I’ve seen you sa grand assemblies. You’re… you’re funny.”
Napatawa si Haechan nang mahina, reflex. “Funny? Sa’n banda?”
“Minsanang banat mo sa GC. Tsaka ‘yung mga banat mo sa GAs,” sagot ni Zo, parang medyo nahihiya rin. “Anyway, you look… bored. Gusto mo mag-photobooth? Libre ata isang strip.”
Hindi normally papayag si Haechan. Hindi siya mahilig makipagkilala nang ganito, something too fast and bubbly. Pero ngayong gabi, gusto niyang maging ibang tao kahit saglit. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na kaya niyang tumingin sa ibang direksyon.
“Okay,” sagot niya, parang casual. “One strip lang ha.”
Tumawa si Zo. “Deal.”
They walked toward the photobooth. As Zo adjusted the curtain, Haechan let out a slow, heavy breath. His eyes lingered on the tiny camera screen, catching a glimpse of himself—forcing a smile, straightening into a posture that screamed calm. Even that pretense, fragile as it was, felt better than revealing the face he knew was truly broken.
“Smile naman diyan,” sabi ni Zo.
“‘Wag mo nga kong utusan,” sagot ni Haechan, pero tumawa siya.
Nag-click ang camera. Flash. Isa. Dalawa. Tatlo. Sa pang-apat, napalingon si Haechan sa kaliwa—at doon niya nakita si Mark.
Nakatayo si Mark sa may gilid ng dance floor, hawak ang baso, pero hindi umiinom. Nakatingin siya sa kanila—sa kanya at kay Zo—na para bang naguguluhan. Parang may tanong sa mata niya na hindi niya maipaliwanag. There was nothing angry in his gaze, but nothing happy, either. To call it neutral would be a lie—there was something quietly contained behind his silent stare.
At dahil nakatingin si Mark, mas lalo namang pinilit ni Haechan ang sarili niya.
Sa huling flash, mas lumapit siya kay Zo, shoulder to shoulder. Tapos, bago pa man matapos ang strip, narinig niyang tumawa si Zo at bumaling sa kanya.
“You’re cute when you’re annoyed,” sabi ni Zo, mahina lang, pero sapat para marinig ni Haechan.
“Corny mo!” Sagot ni Haechan, pero hindi siya umatras.
Out of the corner of his eye, he felt Mark move. He didn’t know if he was coming closer or stepping away. He didn’t look and didn’t want to. Because if he did, he might actually break, and remember that he didn’t want to be “cute” for anyone else. He wanted to be cute for someone he couldn’t.
Lumabas ang photostrip. Inabot ni Zo sa kanya ang isang kopya.
“Oh, sa’yo,” sabi ni Zo. “Para remembrance.”
Tinignan ni Haechan ang strip. Sa unang frame, awkward smile pa. Sa pangalawa, tumatawa na siya dahil sa biro sa kaniya ni Zo. Sa pangatlo, nakasimangot na nakatingin sa binatang katabi niya. Sa pang-apat, nakadikit na sila, like there was something between them.
“Thanks,” sabi niya.
“Anytime,” sagot ni Zo. “Gusto mo sumali sa table namin? Nandun si Rex.”
“Later,” sagot ni Haechan. “I’ll… I’ll find you.”
“@zoen_98106 on IG, hit me up,” ngumiti si Enzo at umalis.
Naiwan si Haechan na hawak ang photostrip na parang talisman na hindi niya alam kung anong ibig sabihin. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa. Hindi niya alam kung gusto ba niya talaga, o gusto lang niyang saktan ang sarili niya less by pretending he can easily move on.
Paglingon niya pabalik sa sentro, sakto namang lumapit si Mark.
“Hae,” tawag ni Mark, bahagyang nakangiti, pero hindi abot sa mata. “You came.”
Tumango si Haechan. “Of course.”
Saglit na katahimikan. Napansin ni Haechan na tumingin si Mark sa kamay niya—doon sa photostrip.
“Was that Enzo?” tanong ni Mark, casual kunwari.
“Ah,” sagot ni Haechan, pilit na normal. “Yeah. Friend ni Rex. Nag-photobooth lang.”
“Photobooth lang?” ulit ni Mark, mas mababa ang boses, parang hindi sigurado kung dapat ba siyang magtanong.
“Yeah,” sagot ni Haechan. “Why?”
Nagkibit-balikat si Mark. “Nothing. I just… didn’t know you talk to people here.”
Haechan chuckled, though it carried a bite. “Ano ako? Isolated Case?”
“No,” mabilis na sagot ni Mark. “I mean—nothing. Just enjoy, okay?”
“Yup! Enjoy ka rin,” sagot ni Haechan, tapos tumingin siya sa direksyon ni Erin para ipaalala sa kanilang dalawa kung bakit hindi sila pwedeng magtagal sa usapang ‘to.
Tumango si Mark, parang may gusto pang sabihin, pero pinili niyang ‘wag na. “Okay,” sabi niya sa huli.
Lumayo si Mark at bumalik sa kaniyang mga iba pang lalaking tropa.
At doon, sa gitna ng ingay at ilaw, mas lalong bumigat ang gabi. Dahil sa isang saglit, nakita ni Haechan ‘yung confusion sa mata ni Mark—at sa saglit na ‘yon, muntik na naman siyang umasa. Muntik na naman siyang magkamali.
He didn’t make a scene at the venue. He didn’t storm out. But as the minutes stretched, as laughter swelled around him, as the flirtations multiplied like sparks in the air, he felt himself running out of breath—trapped in a space that seemed to close in with every passing moment.
Umalis siya nang hindi nagpapaalam. Kahit kay Wax. Even Mark. Kahit pagpunta sa lamesa nina Rex at Zo hindi niya na rin nagawa.
Outside, the air was cold—or maybe it just felt cold because something inside him had broken again. Nag-Angkas siya pauwi, yakap ang bag, hawak ang photostrip sa bulsa.
At sa kabilang dulo ng gabi, si Mark walang ideya. Wala siyang alam kung bakit biglang umalis si Haechan. Wala siyang alam kung bakit mas tumatak sa kanya ang eksena sa photobooth kaysa sa lahat ng nangyari sa party.
